(Ipinanawagan ng mga tsuper sa NCR) DAGDAG KAPASIDAD SA JEEPNEY

jeep

UMAPELA  ang ilang tsuper sa Metro Manila na itaas ang kapasidad ng pasahero sa mga jeep upang maibalik na ang kanilang nawalang kita.

Ito’y makaraang ibaba sa Alert Level 2 mula sa level 3 ang National Capital Region simula noong Pebrero 1.

Gayunman, iginiit ni Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran na mananatili sa 70% ang public transportation capacity

Aniya, inihayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na kailangang maging unti-unti  ang pagtataas sa kapasidad ng pampublikong transportasyon dahil mayroon pa ring pandemya. DWIZ 882