(Ipinasasama sa walang quarantine) BIYAHERO MULA US, CANADA

home quarantine

IKINATUWA ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pag-aalis ng mandatory quarantine mula sa “green” countries subalit umaasa siyang luluwagan din ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Diseases (IATF-EID) ang restrictions para sa mga biyahero mula North America na kinabibilangan ng i United States, Canada, at Mexico.

Sa Bakuna Town Hall virtual meeting ng Go Negosyo kahapon, sinabi ni Concepcion na ang pag-aalis ng mandatory quarantine ay makababawas sa gastusin ng mga traveler at makatutulong sa pagbangon ng sektor ng turismo.

Gayunman, maaaring hindi ito sapat para matulungan ang airlines at  tourism enterprises na makarekober dahil ang Pilipinas ay hindi isang popular destination para sa mga bansa na nasa green list.

Ang “green  list” economies ay kinabibilangan ng Algeria, American Samoa, Bhutan, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China, Comoros, Congo, Cook Islands, Eritrea, Falkland Island, Gibraltar, Hong Kong, Kiribati, Madagascar, Mali, Marshall Islands, Micronesia, Montserrat, Nauru, New Zealand, Nicaragua, Niger, Niue, North Korea, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba, Saint Helena, Saint Pierre and Miquelon, Samoa, Sierra Leone, Sint Eustasius, Solomon Islands, Sudan, Syria, Taiwan, Tajikistan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Uzbekistan, Vanuatu, at  Yemen.

“We’ve requested that they include countries in North America, Canada, and some European countries. Because what we see, Thailand and Singapore are starting to open up and redefining these country levels, allowing America. So, I feel that hopefully we hope to move towards that level,” ani Concepcion.

Dagdag pa niya, napapanahon ito sa Christmas season dahil maramlng Pinoy sa North America at  Europe ang nais umuwi.

Nauna nang iminungkahi ni Trade Secretary Ramon Lopez ang pagpapaikli sa bilang ng araw ng mandatory quarantine para sa foreign nationals para makahikayat ng mas maraming foreign investors na bumisita at maghanap ng business opportunities sa bansa.PNA

35 thoughts on “(Ipinasasama sa walang quarantine) BIYAHERO MULA US, CANADA”

  1. 976467 675019You created some decent points there. I looked on the internet for that problem and located a lot of people will go in addition to with the web web site. 39122

  2. You can certainly see your expertise in the work you write. The world hopes for more passionate writers like you who are not afraid to say how they believe. Always go after your heart.

Comments are closed.