MAKARAANG magpakawala ng mga missile at drone, papatawan ng Estados Unidos ng panibagong sanctions ang Iran.
Ayon kay White House national security adviser Jake Sullivan nakikipag-ugnayan ang Biden administration ngayon sa international partners nito kabilang ang G7 nations at bipartisan leaders sa Congress para sa isang komprehensibong pagtugon sa pag-atake ng Iran.
Target ng bagong sanctions ang mga entity na sumusuporta sa Islamic Revolutionary Guard Corps at Iran Defense Ministry.
Inaasahan naman na susunod ang kanilang mga kaalyado at partners sa pagpapataw ng kanilang sanctions laban sa Iran.