NANGAKO ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na agad na kikilos sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR), sa pakikipagkonsulta sa Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Health (DOH), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), kasunod ng paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Republic Act (RA) 11299 o ang “Social Welfare Attache Act” na siguradong makikinabang ang Filipino Migrant Workers.
Sa RA 11299, na nag-aamyenda sa RA 8042 o ang “Migrant Workers and Overseas Filipino Act of 1995” hinihingi nito na ang DSWD ay magpadala ng marami pang social welfare attaches sa mga bansang maraming manggagawang Pinoy sa abroad, upang maasistehan sila at kanilang mga anak sa panahon ng krisis.
Ang DSWD, sa pakikipagtulungan sa DFA at DOLE, ang magbibigay ng criteria sa pagtukoy sa pagpili ng diplomatic posts kung saan ipadadala ang attaches.
Binigyang diin ng batas ang gampanin ng Social Welfare Attaches na pamamahalaan ang mga kaso ng distressed Filipino Mi-grant Workers na mangangailangan ng psychological services at ihanda ang social welfare situationer ng mga manggagawang ito sa kani-kanilang puwesto.
Pinalalakas ng batas na ito ang role ng gobyerno na maprotektahan, mapagsilbihan at masiguro ang kapakanan ng mamama-mayan kahit saan pa sila naroroon.
Sa kasalukuyan, may mga social welfare attaches ang DSWD sa Kuwait, United Arab Emirates, Qatar, Saudi Arabia (Riyadh and Jeddah), Malaysia, at Hongkong.
Comments are closed.