Laro sa Miyerkoles:
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. – NU vs UST
(Men Finals)
MULING dinomina ng La Salle ang National University, 18-25, 25- 22, 22-25, 25-21, 15-13, upang lumapit sa pagkopo ng kanilang unang korona sa loob ng limang taon sa UAAP women’s volleyball tournament kagabi sa harap ng 7,677 fans sa Araneta Coliseum.
Nawala sa Lady Bulldogs si Sheena Toring, na bumagsak at nasaktan ang kaliwang tuhod makaraang tumama sa paa ni Thea Gagate kung saan naghahabol ang defending champions sa 12-13. Pagkatapos ay umiskor si rookie Angel Canino ng kill – ang kanyang ika- 21 puntos sa laro – upang bigyan ang Lady Spikers ng 14-12 kalamangan.
Naisalba ni reigning MVP Mhicaela Belen ang match point bago nabigong makatawid sa net ang atake sa gitna ni Minerva Maaya, na nagbigay-daan para maitakas ng La Salle ang series opening victory.
Magtatangka ang Lady Spikers sa kanilang 12th championship at ang una magmula noong 2018 sa Game 2 sa Sabado sa Mall of Asia Arena.
Umiskor si Alyssa Solomon ng 28 points, kabilang ang 2 blocks, habang nag-ambag si Belen ng 22 points, 14 receptions at 12 digs para sa NU.