NAKARATING na sa Canada ang barkong naglalaman ng konti-kontiner na basurang itinambak nila sa Filipinas ilang taon na ang nakalilipas.
Ganap nang naibalik sa naturang bansa, Sabado ng umaga, oras sa Canada ang mga basura na halos kalahating dekadang nanatili sa bansa.
Dumaong ang M/V Bavaria sa Vancouver Port lulan ang 69 containers na mga basura matapos ang isang buwang paglalayag mula sa Filipinas.
Matatandaang nagbanta ng giyera sa Canada ang Pangulong Rodrigo Duterte kapag hindi ito naibalik sa kanila.
Umalis ang cargo ship noong Mayo 31.
Dadalhin ang mga naturang basura sa waste-to-energy facility ng Canada para sunugin.
Dumating sa Filipinas ang 103 kontiner na basura na may bigat na 2,500 tonelada noong 2014 at 2015 na idineklarang recyclable plastic scraps.
Ang laman ng 34 sa mga kontiner ay maayos na naitapon ng Bureau of Customs (BOC).
Comments are closed.