(Isinusulong ng solon) P2-B BUDGET VS NCOV

Angelina Tan

ISA pang kongresista ang nagpanukala na maglaan ng supplemental budget para sa pagtugon ng pamahalaan laban sa 2019 Novel Co­ronavirus (2019-nCov).

Inihain ni House Committee on Health chair Angelina Tan ang HB 6166 na naglalayong maglaan ng P2.04 billion sa Department of Health (DOH) upang mapalakas ang  health system response ng bansa laban sa 2019-nCoV.

Ayon kay Tan, ang halaga ay gagamitin sa pagbili ng sapat at tamang surgical masks para sa persons under investigation (PUIs) at health workers, gayundin ng personal protective equipment (PPE) na kinakailangan ng health workers na tumutugon sa posibleng mga kaso ng virus.

Aniya, ang ipinanukala niyang halaga ay sapat para sa pagbili ng surgical masks at PPEs sa susunod na tatlong buwan.

“To safeguard the use of the P2.04 billion supplemental fund that is being proposed, I have included a reporting mechanism to mandate the DOH to give a detailed account of the budget’s utilization,” ani Tan.

Naghain din si Albay Rep. Joey Salceda ng katulad na panukala bagama’t may binago siya sa naunang bersiyon ng kanyangb bill.

Bukod sa paglalaan ng budget para sa pagbili ng surgical masks para sa  PUIs at health care workers, gayundin ng PPEs, ipinanukala ni Salceda ang paglalaan ng P20 million para sa karagdagang man hour service sick leave, hazard pay, night shift differential, overtime pay para sa epidemiologists, at dagdag na health care contractual workers o job orders.

“Dinagdagan ko lang siya para doon sa mga epidemiologist. Kasi ngayon, kulang talaga para sa mga epidemiologist. Kapag nagkasakit sila, charged sa sick leaves credits nila. So, we need to provide incentive for the epidemiologists,” ani Salceda.

Comments are closed.