NAITALA ni LeBron James ang 19 sa kanyang 36 points sa fourth quarter habang nalusutan ng Los Angeles Lakers ang malamig na shooting mula sa field upang durugin ang San Antonio Spurs, 129-102, noong Martes ng gabi.
Umiskor sina Anthony Davis at Kyle Kuzma ng tig-18 points, habang nagdagdag si Kuzma ng 12 rebounds para sa Lakers na nagwagi sa home sa unang pagkakataon magmula nang masawi si dating Laker Kobe Bryant at walong iba pa sa isang helicopter crash noong Enero 26.
Tumipa si DeMar DeRozan ng 28 points at gumawa si Bryn Forbes ng 13 para sa Spurs, na natalo sa back-to-back nights sa Staples Center makaraang yumuko sa Los Angeles Clippers noong Lunes ng gabi. Nalasap ng Spurs ang ika-5 pagkatalo sa huling pitong laro.
May 13-point lead sa tatlong quarters, sinimulan ng Lakers ang final period sa pagkamada ng 21 points sa opening 3 1/2 minutes. Naisalpak ni James ang limang sunod na tira – pawang 3-pointers – sa nasabing stretch.
NUGGETS 127, BLAZERS 99
Nagbuhos si Nikola Jokic ng 29 points, 13 rebounds at 9 assists, habang kumamada si Jamal Murray ng 20 sa kanyang pagbabalik sa lineup makaraang lumiban sa 10 games, upang tulungan ang host Denver Nuggets na gapiin ang Portland Trail Blazers noong Martes ng gabi.
Umiskor si Jerami Grant ng 17, nag-ambag si Will Barton ng 16 points, at nakakolekta si Malik Beasley ng 14 para sa Nuggets, na nanalo sa lahat ng tatlong laro nila kontra Portland ngayong season.
Nalimitahan si Damian Lillard sa 21 points, ang kanyang pinakamababang output magmula noong Enero 9, at tumipa si CJ McCollum ng 20 para sa Portland. Naputol ang four-game winning streak ng Trail Blazers.
Si Lillard, may 9 assists sa pagkatalo, ay sumalang sa laro na may average na 48.8 points at 10.2 assists sa kanyang huling anim na laro.
Nagdagdag sina Gary Trent Jr. ng 11 points at Anfernee Simmons ng 10 para sa Portland.
ROCKETS 125,
HORNETS 110
Kinapos si James Harden ng isang rebound sa 40-point triple-double, at binura ng Houston Rockets ang 15-point deficit upang pataubin ang bisitang Charlotte Hornets.Sinindihan ni Harden ang 12-3 run sa fourth quarter na nagbigay-daan para makontrol ng Houston ang laro.
Naipasok ni Harden ang isang 3-pointer, naisalpak ang isang floater sa lane at pinasahan si Danuel House Jr. para sa transition alley-oop tungo sa 40 points at 12 assists upang tulungan ang Houston na magwagi sa kabila ng pagkawala nina Russell Westbrook (thumb) at Clint Capela (heel).
BUCKS 120,
PELICANS 108
Kumana si Giannis Antetokounmpo ng 34 points at 17 rebounds upang pangunahan ang panalo ng bisitang Milwaukee Bucks laban sa New Orleans Pelicans.
Nalamangan ang Bucks sa malaking bahagi ng first half at sa 61-58 sa halftime bago na-outscore ang Pelicans, 42-24, sa third quarter. Umiskor si Antetokounmpo ng 16 sa nasabing period.
Nagdagdag si fellow All-Star Khris Middleton ng 20 points, at gumawa sina Wesley Matthews ng 17, Eric Bledsoe ng 16 at Brook Lopez ng 12 para sa Milwaukee.
Nanguna si All-Star forward Brandon Ingram para sa New Orleans na may 32 points, habang tumapos si rookie Zion Williamson ng 20 at nagposte sina JJ Redick ng 13 points mula sa bench at Lonzo Ball ng 11 points at 14 rebounds.
Comments are closed.