JAMES HUMATAW NG TRIPLE-DOUBLE VS CAVS

NAGPASABOG si LeBron James ng game-high 38 points na sinamahan ng 11 rebounds at 12 assists upang pangunahan ang bisitang Los Angeles Lakers sa 131-120 panalo kontra Cleveland Cavaliers nitong Lunes.

Si James, naglaro sa Cavs ng  11 seasons, ay 17 of 29 mula sa field. Sumalang siya sa laro na pangalawa sa scoring sa liga sa 29.8 per game sa virtual three-way tie kina Philadelphia’s Joel Embiid at Milwaukee’s Giannis Antetokounmpo.

Tumapos ang Lakers ss 2-2 sa kanilang four-game road trip.

Nag-ambag si Russell Westbrook ng 20 points at 11 assists para sa Lakers, habang kumubra si D.J. Augustin ng 20 points mula sa bench. Si Augustin ay 7 of 7 sa field at 6 of 6 sa 3-point line kung saan ang Lakers ay bumuslo ng season-high 56.4 percent mula sa field.

Kumana si guard Darius Garland ng 29 points at game-high 16 assists para sa Cavs, na 3-2 sa katatapos lamang nila na five-game homestand. Umiskor si Garland ng 20 o higit pang puntos sa 14 ng kanyang huling 15 games.

Sa iba pang laro, nasilo ng Nets ang Jazz, 114-106;  pinatahimik ng Celtics ang Thunder, 132- 123;  sinuwag ng Bulls ang Raptors, 113-99; ginapi ng Hornets ang Pelicans, 106-103; namayani ang 76ers sa Heat, 113-106; pinaamo ng Mavericks ang Timberwolves, 110-108; at binomba ng Rockets ang Wizards, 125- 97.