NAGBUHOS si Anthony Davis ng 28 points at 8 rebounds, at kumarera ang host Los Angeles Lakers sa 138-115 panalo laban sa Dallas Mavericks kahapon.
Naipasok ni Davis ang 10 sa kanyang 16 tira at 3 sa 5 3-pointers. Kumamada si LeBron James ng 22 points, 10 assists at 7 rebounds, habang nag-ambag si Montrezl Harrell ng 22 points at 7 rebounds para sa Lakers.
Nalagpasan ni James si Oscar Robertson (377 points) para sa ikalawang puwesto sa total points na naitala sa Christmas Day. Si James ay may 383 points sa 15 games, sa likod ni Lakers legend at late Kobe Bryant na may 395 points sa 16 games.
Napantayan din ni James si dating teammate Dwyane Wade para sa career Christmas wins sa 10.
Umiskor si Dennis Schroder ng 18 points sa 7-of-11 shooting, na may kasamang 6 assists at nagposte si Kyle Kuzma ng 13 points at 6 re-bounds para sa Los Angeles.
Kumabig si Luka Doncic ng 27 points at 7 assists para sa Mavericks. Anim na Mavericks ang umiskor ng double figures, kabilang sina Josh Richardson (17), Trey Burke (17), Dwight Powell (11), Dorian Finney-Smith (10) at Tim Hardaway Jr. (10).
NETS 123,
CELTICS 95
Tunabo si Kyrie Irving ng 37 points at nagdagdag si Kevin Durant ng 29 points upang tulungan ang bisitang Brooklyn Nets na matagumpay na makabalik sa Christmas Day schedule ng NBA sa pagtarak ng 123-95 panalo kontra Boston Celtics.
Sa kanyang unang regular-season game sa Boston buhat nang umanib sa Nets, naipasok ni Irving ang 13 sa 21 shots, nagsalpak ng pitong 3-pointers, at nagbigay ng walong assists. Umiskor si Irving ng 17 sa halftime, subalit naghabol ang Nets ng tatlong puntos bago na-outscore ang Boston, 72-41, sa second half sa kanilang unang Christmas Day game buhat nang makaharap ang Chicago noong 2013.
Nagdagdag si Caris LeVert ng 10 points para sa Nets, na bumuslo ng 54 percent at sinimulan ang season sa pamamagitan ng dalawang sunod na panalo sa unang pagkakataon magmula noong 2010-11.
Tumirada si Jaylen Brown ng 27 points para sa Celtics (1-1), na bumuslo ng 33 percent sa second half at 38 percent sa kabuuan. Nagdagdag si Jayson Tatum ng 20 points at 8 rebounds habang gumawa si Marcus Smart ng 13.
BUCKS 138,
WARRIORS 99
Kumana si Khris Middleton ng game-high 31 points upang pangunahan ang Milwaukee Bucks sa 138-99 panalo laban sa bisitang Golden State Warriors.
Nalimitahan si Giannis Antetokounmpo sa 15 points sa 4-for-14 shooting, subalit umiskor si Middleton at ang apat na iba pang teammates ng double figures habang mabilis na binura ng 1-1) Bucks ang pait ng last-second loss sa Boston sa kanilang unang panalo sa season.
Nagtala si Stephen Curry ng team-high 19 points at nagdagdag si rookie James Wiseman ng 18 para sa Warriors (0-2), na na-outscore ng pinagsamang 65 points sa kanilang unang dalawang laro.
Naipasok ni Middleton ang 6-of-8 3-pointers, kabilang ang dalawang sunod sa 19-7 burst ng Bucks sa third period na nagpalobo sa kalaman-gan sa 91-71 mula sa 72-64.
HEAT 111,
PELICANS 98
Nalusutan ng Miami Heat, nawala ang star na si Jimmy Butler dahil sa injury sa first half, ang bisitang New Orleans Pelicans.
Naitala ni New Orleans’ Zion Williamson, nasa kanyang Christmas Day debut, ang ikalawang double-double sa dalawang laro ngayong sea-son na may 32 points at 14 rebounds, na kapwa game highs. Nagdagdag si Brandon Ingram ng 28 points.
Ang Miami (1-1) ay pinangunahan ni Duncan Robinson, na may 23 points, kasama ang 7 of 13 3-pointers. Nagdagdag si Bam Adebayo ng17 points, at gumawa si Goran Dragic ng18 points at game-high nine assists mula sa bench.
Nakalikom si Butler, na may stiffness sa kanyang right ankle, ng 6 rebounds, 5 assists at 4 points sa loob ng 16 minuto.
Ang Heat ay nakapasok sa NBA Finals noong nakaraang season, subalit 6-9 lamang sila na wala si Butler.
Comments are closed.