NAIPOSTE ng Atlanta Hawks ang kanilang ika-8 sunod na panalo makaraang dispatsahin ang Los Angeles Lakers, 99-94.
Pinutol ng Hawks ang four-game winning streak ng Lakers at napanatili ang pinakamahabang winning streak sa kasalukuyan sa NBA.
Gayunman, nasentro ang atensiyon sa injury na tinamo ni Lakers superstar LeBron James.
May 10:50 ang nalalabi sa second quarter, nagulungan ni Hawks forward Solomon Hill ang right ankle ni James habang hi-nahabol ang loose ball.
Sa report ng ESPN, si James ay nagtamo ng high ankle sprain at ‘out’ indefinitely. Kinumpirma ng isang sideline reporter ng Lakers ang report.
BUCKS 120,
SPURS 113
Tumipa si Giannis Antetokounmpo ng 26 points upang pangunahan ang pitong players sa double figures nang gapiin ng Milwaukee Bucks ang bisitang San Antonio Spurs, 120-113, para sa kanilang ika-6 na sunod na panalo.
Nagbigay si Antetokounmpo ng season-high 15 assists at nagdagdag ng 8 rebounds. Ang Milwaukee ay nanalo ng 11 sa 12 at sa lahat ng kanilang limang laro matapos ang All-Star break.
Nag-ambag si Khris Middleton ng 23 para sa Bucks, na nakakuha rin kay Jrue Holiday ng 21 points. Umiskor si Donte DiVin-cenzo ng 12 points at kumalawit ng 13 rebounds, gumawa sina Brook Lopez at Pat Connaughton ng tig-11 points, at nagbuhos si Bryn Forbes ng 10 para sa Milwaukee.
Kumamada si Lonnie Walker IV ng career-high 31 points para pangunahan ang Spurs, na naputol ang three-game winning streak. Nagdagdag sina DeMar DeRozan ng 22 points at season-high 13 assists, Keldon Johnson ng 17 at Rudy Gay ng 15 points.
CLIPPERS 125,
HORNETS 98
Naitala ni Paul George ang 18 sa kanyang 21 points sa first half at nagbigay rin ng 10 assists upang tulungan ang Los Angeles Clippers na pataubin ang bisitang Charlotte Hornets, 125-98.
Nakakolekta si Kawhi Leonard ng 17 points at 4 steals at umiskor si Terance Mann ng 16 points sa 7-of-10 shooting para sa Los Angeles na nanalo sa ikatlong pagkakataon pa lamang sa nakalipas na walong laro.
Nagdagdag si Lou Williams ng 15 points at 3 steals pars sa Clippers, na nakakuha rin kina Marcus Morris Sr. ng 13 points, Nicolas Batum ng 11 at Ivica Zubac ng 10.
76ERS 129,
KINGS 105
Tumabo si Tobias Harris ng 29 points, 11 rebounds at 8 assists nang payukuin ng host Philadelphia 76ers ang Sacramento King, 129-105.
Nagdagdag si Shake Milton ng 28 points at gumawa si Danny Green ng 18 para sa short-handed Sixers, na naglaro na wala sina starters Joel Embiid (bone bruise sa left knee) at Seth Curry, may sprained left ankle.
GRIZZLIES 111,
WARRIORS 103
Naisalpak ni Ja Morant ang isang short jumper, may 2:27 ang nalalabi, upang bigyan ang Memphis Grizzlies ng kalamangan tungo sa 111-103 panalo kontra short-handed Golden State Warriors at maiwasan ang two-game sweep.
Sinamantala ni Jonas Valanciunas ang pagliban ng top three big men ng Golden State para magtala ng 19-point, 15-rebound double-double at tulungan ang Grizzlies na maiganti ang 116-103 pagkatalo sa Warriors noong Biyernes.
Nanguna si Jordan Poole, muling naging starter kapalit ni injured Stephen Curry, para sa Golden State na may 26 points.
599499 249695Hey there. I want to to inquire somethingis this a wordpress weblog as we are thinking about shifting over to WP. Also did you make this theme on your personal? Thanks. 147322