HINDI nakaligtas sa mga kate-katerang netizens ang malusog na pangangatawan ni Jasmine Curtis.
Dati-rati kasi noong sobrang payat nito, tinawag pa itong anorexic.
Ngayon naman, nag-viral kamakailan ang photo niya sa social media kung saan napansin ng mga usyoso ang kanyang pangangatawan.
Dahil dito, hindi naiwasang magkaroon ng espekulasyon na preggie ang isa sa mga bida ng “Descendants of the Sun”.
May mga nagsabi pang nainggit daw si Jasmine sa kalagayan ng kanyang Ate Anne kaya gusto na rin nitong magka-baby.
Ito ang ilan sa mga naging komento ng netizens sa kanyang kalagayan: “Looks like she’s on the way,” “You preggy? Wow congratulations”, “Parang buntis nga”, “Bakit parang buntis?”
Agad namang nag-reply si Jasmine sa naging komento ng netizens nang pabulaanan niya ang akala ng mga ito na nagdadalantao na siya.
Si Jasmine ay happy sa piling ng kanyang showbiz boyfriend at ayon sa kanya, habang lumalaon ay tumatatag ang kanilang pagsasama.
Talking of marriage, wala pa raw sa plano nila ang magpakasal lalo pa’t nakapokus siya ngayon sa kanyang karera.
ALEX GONZAGA ENGAGED NA SA BOYFRIEND
ENGAGED na si Alex Gonzaga sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mikee Morada.
Masaya niya itong ibinalita sa kanyang IG stories sa kanyang socmed account.
Marami namang natuwa para sa vlogger-actress kasama na ang close friend nitong si Luis Manzano dahil natagpuan na ng “I Can See Your Voice” judge ang kanyang future husband.
Pabor naman sa karamihan na lumagay na sa tahimik ang kapatid ni Toni dahil bukod sa financially stable na ito, nasa tamang edad na rin naman ito to settle down.
Katunayan, kahit hindi raw mag-artista si Alex, buhay na buhay na ito sa laki ng kinikita niya bilang celebrity blogger na may more than a million subscribers sa kanyang Youtube channel.
Comments are closed.