JASMINE CURTIS SMITH WALA PANG BALAK MAGPAKASAL

JASMINE CURTIS SMITH

ITINANGGI ni Jasmine Curtis-Smith ang balitang mag-aasawa na rin siya at susunod sa yapak ng kanyang sister na si Anne The pointCurtis.

May mga umuugong kasing tsika na nag-propose na sa kanya ang kanyang boyfriend na si  Jeff Ortega.

“No, it’s not true. Marami pa akong trabaho at commitments na dapat gawin,” bulalas niya.

Hindi rin daw totoong naiinggit siya sa kapatid kaya gusto na rin niyang sundan ang yapak nito para mag-asawa.

“I still have many plans for myself and I think, I’m not ready for that yet,” esplika niya.

Tungkol naman sa umano’y paglipat niya sa Singko papuntang GMA-7, happy raw naman siya sa kanyang naging desisyon.

“I do not regret sa naging desisyon ko,” pakli niya. “I think, I’m home with GMA7,” esplika niya.

Nalungkot naman siya sa pagwawakas ng kanyang teleseryeng “Pamilya Roces” na hindi na-extend ng isa pang season.

“Siyempre, may mga nabuo na rin kaming bond sa set,” pagtatapos niya.

Looking forward naman ang award-winning actress ng “Transit” sa next projects niya sa GMA7 ngayong 2019.

MERYLL SORIANO ‘DI IKINAHIHIYA ANG PAGIGING BIPOLAR

HINDI  ikinahihiyang aminin ng award-winning actress na si Meryll Soriano na isa siyang bipolar.

Katunayan, plus factor daw ang kanyang condition para mai­sabuhay niya nang husto ang mga complex roles na natotoka sa MERYLL SORIANOkanya tulad ng mga delusional o paranoid characters na kanya nang nagampanan.

“Nakare-relate ako sa mga ganoong role  kasi I’m open naman in saying that I have this bipolar condition. I’ve been diagnosed eleven years na. I am seeing a psychiatrist for 11 years now. I have also a psychologist or a life coach. I have my family who support s me  and who’s aware of my condition,” aniya.

Hirit pa niya, nakatulong daw ang support system na nakukuha niya sa kanyang support group at pamilya para malagpasan niya ang mga pagsubok ng isang taong may bipolar disorder.

“I think the biggest step is living with it and coping with it. It’s an important thing that you are aware of  your condition. Iyong  acceptance. It’s a good learning for everyone,” esplika niya. “Through the years, I’ve been lucky to be surrounded by people who supports me. Iyong support group ko and even my family. I have a son, siya iyong sense of purpose ko,” dugtong niya.

Bilang isang taong may bipolar disorder, gusto rin daw niyang makatulong sa mga taong nakararanas ng nasabing kondisyon.

“It really helps that I’m an actor. It’s an escape. It’s a good avenue for me kapag may iba-ibang roles akong gina­gampanan. As an artistic outlet, it really helps me. I have my meds also. A low dose mood stabilizer, iyon lang naman ang kailangan kong i-take sa awa ng Diyos, “esplika niya.

Comments are closed.