JAZZ TAOB SA LAKERS

UMISKOR si LeBron James ng 25 points at nagdagdag si Stanley Johnson ng season-high 15 nang dispatsahin ng Los Angeles Lakers ang bisitang  Utah Jazz, 101-95, nitong Lunes upang putulin ang three-game losing streak.

Tumipa rin si Russell Westbrook ng 15 points at nag-ambag si Malik Monk ng 14 points para sa Lakers, na nanalo sa unang pagkakataon magmula noong Jan. 7 sa kabila na naharap sa 10-point deficit sa huling bahagi ng third quarter.  Nag-ambag si James ng 7 rebounds at 7 assists.

Kumubra si Utah’s Rudy Gobert ng 19 points at kumalawit ng  16 rebounds sa kanyang ikalawang laro mula five-game COVID-19 absence, at nagdagdag si Mike Conley ng 20 points.

Natalo  ang Jazz sa ikalawang gabi ng back-to-back at nalasap ang ika-5 kabiguan sa nakalipas na anim na laro, kung saan apat sa mga pagkatalong ito ay nangyari na wala si Gobert.

Mavericks 104,

Thunder 102

Nagsalansan si Luka Doncic ng 20 points, 11 rebounds at 12 assists nang gapiin ng Dallas Mavericks ang bisitang Oklahoma City Thunder.

Nahirapan si Doncic sa field, kung saan gumawa lamang siya ng 4 of 17 shots, ang kanyang pinakamasamang shooting night sa  season kapwa sa percentage at naipasok na tira. Gayunman ay nagawa pa rin niyang maiposte ang kanyang ika-5 triple-double sa season.

Si Doncic ay mayroon na ngayong 41 career triple-doubles, mahigit sa kalahati ng 81 triple-doubles sa franchise history.

Suns 121,

Spurs 107

Nagbuhos si Devin Booker ng season-high 48 points upang pangunahan ang Phoenix Suns sa 21-107 win panalo kontra  host San Antonio Spurs.

Nanalo ang Phoenix ng apat na sunod, pawang sa road, upang umangat sa best record ng liga na malayo sa home (17-4). Ang  Suns (34-9) ay nagmamay-ari ng NBA’s best record at nanalo ng pito sa huling walong   games overall makaraang gapiin ang San Antonio sa ikatlong pagkakataon sa tatlong pagtatagpo ngayong taon.

Naisalpak ni Booker ang 18 sa  33 shots, kabilang ang 5 of 13 mula sa 3-point range. Ang kanyang point total ay kapantay ng fifth most sa isang laro sa NBA ngayong season (Trae Young 56, Kevin Durant 51, Jaylen Brown at Stephen Curry 50, Anthony Edwards 48).

Sa iba pang laro ay namayani ang Miami Heat sa Toronto Raptors, 104-99; ginapi ng Portland Trail Blazers ang Orlando Magic, 98-88; at pinadapa ng Atlanta Hawks ang Milwaukee Bucks, 121-114.