NAGBUHOS si Donovan Mitchell ng 35 points upang pangunahan ang Utah Jazz sa 109-108 panalo laban sa Cleveland Cavaliers nitong Linggo.
Kumalawit si Rudy Gobert ng 20 rebounds at gumawa ng 5 blocks para sa Jazz. Nagdagdag si Bojan Bogdanovic ng 16 points habang kumubra si Rudy Gay ng 15 points at 8 rebounds.
Kumana ang Utah ng 20 3-pointers at bumuslo ng 41.7 percent mula sa long distance.
Umiskor si Darius Garland ng 31 points upang pagbidahan ang Cavaliers. Nakalikom si Jarrett Allen ng 17 points at 11 rebounds habang nag-ambag si Evan Mobley ng 14 points at 12 rebounds.
Hornets 130,
Hawks 127
Tumirada si Miles Bridges ng 32 points, nagdagdag si Kelly Oubre Jr. ng 28 at pinutol ng shorthanded Charlotte ang kanilang three-game road losing streak sa panalo kontra Atlanta.
Kumana si Bridges ng 11-for-15 mula sa floor, kabilang ang 4-for-6 sa 3-pointers, at nagtala si Oubre ng 11-for-17 at 6-for-10 sa 3s. Nagtala ang Hornets, ang most efficient 3-point shooting team sa liga, ay kumamada ng17 of 37.
Naglaro ang Hornets na wala ang apat na players na na-sideline dahil sa health and safety protocols: starters LaMelo Ball, Terry Rozier at Mason Plumlee at reserve Jalen McDaniels.
Nanguna si John Collins para sa Atlanta na may 31 points at 12 rebounds, tumabo si Kevin Huerter ng 28 points at nagdagdag si Trae Young ng 25 points at 15 assists. Humugot si Clint Capela ng 14 rebounds at umiskor si Danilo Gallinari ng 17 mula sa bench.
RAPTORS 102,
WIZARDS 90
Naitala ni Pascal Siakam ang 17 sa kanyang 31 points sa second quarter at ginapi ng Toronto ang bisitang Washington.
Nagdagdag si Precious Achiuwa ng 10 points at 14 rebounds para sa Raptors, na nanalo ng dalawang sunod. Nag-ambag si Chris Boucher ng 14 points mula sa bench para sa Toronto. Tumipa si Scottie Barnes ng 11 points at 6 rebounds para sa Raptors, na 4-8 sa home, at kumabig si Fred VanVleet ng 10 points.
Naitala ni Kentavious Caldwell-Pope ang 10 sa kanyang 26 points sa third quarter para sa Wizards, na natalo ng dalawang sunod. Nagdagdag si Bradley Beal ng 14 points at tumapos si Montrezl Harrell na may 6 six points at 14 rebounds para sa Washington.
Sa iba pang laro ay dinispatsa ng Rockets ang Pelicans, 118-108.