JENNYLYN MERCADO LALABAN SA HOKKAIDO MARATHON

MAAGA pa lang ay inaabangan na ng kanyang fans si Jennylyn Mercado sa UP Diliman kung saan siyahotshots nagpa-practice sa pagtakbo bilang preparasyon sa sasalihang Hokkaido Marathon.

Hashtag ni Jennylyn sa kanyang post sa Instagram account, #roadtoHokkaidonmarathon Japan.

May pagka-athletic si Jen at sumali na siya sa triathlon sa bansa kaya naman susubukan naman niyang sumabak sa Marathon sa Japan. ‘Yun nga lang hindi pa alam ni Jen kung kailan ito magaganap. Bukod sa pagtakbo ay pina-practice din niya ang pilates sa gym.

Alam ni Dennis na kailangan ni Jen ng suporta kaya sasamahan niya sa naturang marathon para maging rah-rah boy.

Samantala, naka-schedule rin si Jen na mag-taping ng kanyang bagong serye sa GMA 7, ang romantic/comedy series na I Love You Two kasama si Gabby Concepcion.  Bukod sa kanila ni Gabo ay hindi pa alam kung sino-sino pa ang makakasama nila sa isa sa coming project ng Kapuso sa primetime block.

JM DE GUZMAN NAGPATUTSADA KAY BARBIE IMPERIAL

DINAGSA ng maraming reaksiyon ang makahulugang Instagram post ni JM de Guzman na wala namang pinatutungkulan. Pero palagay ng kanyang mga follower may kinalaman daw siguro ito sa estado ng relasyon nila ni Barbie Imperial.

JM DE GUZMAN-1Ipinost ni JM ang isa niyang close-up na kuha sa kanyang IG wall na nilagyan pa niya ng isang linya mula sa isang 90`s alterna-tive song. Nakalagay sa message na parang nabaliktad ang sitwasyon kay JM. Mistulang parang pinaglaruan ang actor.

“Kung kailan ka na­ging seryoso tsaka kanya… #ohJoskow,” post ni JM.

Hindi malinaw kung may pinagdadaanan o nagti-trip lang si JM kaya naman sinabi niya sa karugtong na caption kung idi-delete ba niya ang post o hindi.

“…di ko alam kung ie-erase ko to mamaya ‘pag natauhan ako. Lezl,” say pa ni JM.

May nagsabi naman na si Barbie ang pinatatamaan ni JM sa mensahe.

Ayon naman sa mga nagmamahal kay JM na huwag bigyan ng malisya at mag-isip ng kung ano-ano. Hayaan na lang ang actor ang maglinaw.

Parang rollercoaster ride daw ngayon ang samahan nina Barbie at JM. Last year kasi ay nagkaroon sila ng tampuhan. Pero bago sumapit ang holiday season ay sweet at okey na sila na ipinost pa nila sa kani-kanilang socmed account.

GMA FILMS MULING GAGAWA NG PELIKULA

MAGANDANG balita sa mga tao sa likod ng camera dahil muling ibabalik ang GMA Films headed by Ms. Annette Cozon-Valdez. Initial project nga nila ay isang comedy film titled Kambal Karnabal.

Tanong tuloy ng iba ay kung spoof raw ba ng te­leseryeng Kambal Kari­bal na pinag­bidahan nina Bianca Umali, Miguel Tanfe-lix at Kyline Alcantara.

Sa Kambal Karnabal ay pagbibidahan nina Derrick Monasterio at Kim Domingo, kasama rin sina Tekla, Kiray Celis atbp sa direksiyon ni Adolf Alix. Last Sunday ay nagsimula na silang mag-shooting.

Sana lang ay tangkilikin ng masa ang movie project na pagsasamahan nina Derrick at Kim na napanonood pa rin sa Bubble Gang, every Friday sa GMA 7.

Sa Friday nga pala ay guest sa longest running gag show sina Carla Abellana at Alyana Asistio.

Comments are closed.