JOBLESS NA PINOY NABAWASAN, 12.7M SA Q4 NG 2020

sws

KUMAUNTI ang mga walang trabahong Pinoy sa bansa sa fourth quarter ng 2020, ayon sa survey ng Social Weather Sta- survey ng Social Weather Stations (SWS).

Sa pagtaya ng SWS, may 12.7 milyong Pinoy ang jobless sa fourth quarter na kumakatawan sa  27.3 percent ng adult labor force, base sa survey na isinagawa noong Nob. 21-25, 2020.

Mas mababa ito sa 23.7 milyong Pinoy na walang trabaho sa third quarter noong nakaraang taon, na kumakatawan sa 39.5 percent ng adult labor force.

Gayunman, ang numero ay mas mataas sa 17.5 percent na naitala noong Disyembre 2019,  ang huling survey na isinagawa bago pumutok ang COVID-19 pandemic.

Ayon sa SWS, ang resulting average joblessness rate para sa 2020 ay record-high 37.4 percent.

“The previous record was a 28.8 percent average in 2012. The average in 2019 was 19.8 percent,” dagdag pa ng SWS.

Comments are closed.