JOHN ESTRADA, BARBIE IMPERIAL AFFAIR FAKE NEWS

Apela agad si John Estrada sa tsismis na may relasyon sila ni Barbie Imperial.

Kasi naman, nagkakalabuan na raw sina Barbie at ang rumored boyfriend nitong si Richard Gutierrez, kaya nababaling ang atensyon ng FPJ’s Batang Quiapo star kay John.

 “Hindi ko alam kung sino o saan nagsimula ang kalokohang ito, na nagli-link sa amin ni Barbie,” hirit ni John.

Hindi raw niya personal na kilala ang aktres at minsan lang din daw sila nagkita — noong Christmas special ng ABS-CBN.

Hindi rin umano sila nagkita kahit minsan sa shooting dahil magkaiba sila ng grupo, unit, at direktor.

Marahil, sinasamantala ng mga tabloid writers ang controversy ni John at asawang si Priscilla Meirelles na may kaugnayan sa babaing kainuman niya sa bar.

‘Honestly, I don’t owe anyone an explanation,” diretsang pahayag ni John.

“But once and for all, I’m going to say this, I have every right to befriend who I like to be friends with. Male or female.

“Like any normal human being. The only difference is I’m a public figure.”