INIINDA ni John Lloyd Cruz ang sinapit ng relasyon niya kay Ellen Adarna. Balitang nagpunta sa Vietnam ang aktor para makapagmuni-muni. And hopefully, pagbalik niya kahit paano’y maibsan ang bigat na nararamdaman.
Hindi naman kasi basta relasyon lang ang nasira sa kanila ni Ellen, if true ang mga bali-balitang hiwalay na sila. May anak kasi sina Lloydie at Ellen na maapektuhan sa desisyon na gagawin nila pagdating sa kanilang relasyon.
Ayon sa aming source, bukod sa pagiging “weirdo” raw ni Lloydie na ‘di matanggap ni Ellen, may isa pang matinding dahilan nang madalas nilang pag-aaway.
‘Di umano, type ni Ellen na bumalik ulit sa showbiz. Pero tutol na tutol daw si John Lloyd sa plano ni Ellen.
Hindi naman siguro tutol si Lloydie kung bumalik sa showbiz si Ellen kasi sa mundong ‘to naman sila nagkakilala. Baka naman ang kay Lloydie puwede siyang bumalik sa showbiz pero ‘wag muna ngayon dahil baby pa si Elias.
More than anything, mas kailangan pa si Ellen ni Baby Elias. At kahit ‘di naman siya mag-artista, kering-keri naman ata silang buhayin ni Lloydie. And knows naman ng marami na can afford din naman ni Ellen na ‘di magtrabaho kahit noon pa man.
At hirit naman ng aming source, ‘Bakit siya babalik? Mayroon ba siyang career na babalikan sa showbiz?’
Grabe siya, oh!
THREE’S A COMPANY TAGUMPAY SA MUSIC HALL
MATAGUMPAY ang kauna-unahang concert na pagsasama-sama on stage nina LA Santos, Carlo Mendoza at Kiel Alo sa Music Hall last Saturday, ang “Three’s A Company” produced by Front Desk Entertainment.
In fairness, may blending ang boses nina LA, Carlo and Kiel, huh. Mas mahusay pa sila sa ibang boy bands ngayon, e.
Malakas na palakpakan naman ang natanggap ni Kiel when he gave his own rendition of Morisette Amos’ song, ‘Akin Ka Na Lang.’ Habang bigay-todo naman si LA sa pagkanta ng single niya, ang ‘Isang Linggong Pag-ibig’ ni Imelda Papin.
Sa “Three’s A Company” rin ay inawit ni Kiel ang kauna-unahan niyang single titled “Aasa Ka Ba” making him a certified singer na talaga.
“It took like ah, four years. Maraming iyak, maraming tiis talaga. May times talaga na baka parang hindi ako rito. Pero may mga tao pa rin na naniniwala. Nariyan si Nanay, nariyan ang pamilya, nariyan kayo, mga kaibigan. Laban lang.”
Para sa kanya ‘di naman daw mahaba ang four years.
“For me is not long. It was never long. It was never long. Because, I enjoyed every year, every song that I sang, Tamang-tama lang and it’s God’s perfect time na magkaroon ako ng single ngayon.”
Anyway, busing-busy na si Kiel and Carlo sa mga susunod na buwan. Mag-uumpisa na kasi sila maghanda para sa kauna-unahan nilang musical play para sa Gantimpala Theater.
Gagawin daw nila ‘yung play para mas lalo silang umangat. Habang si LA naman ay nagpa-plano na mag-simula sa kanyang You Tube channel. Magre-release din daw siya ng walong kanta roon.
Comments are closed.