(Judgment day) BOLTS O TEXTERS?

PBA governor Cup

Laro ngayon:

(Ynares Center-Antipolo)

7 p.m. – Meralco vs Talk ‘N Text

 

SINO sa Meralco at Talk ‘N Text ang makakasagupa ng Barangay Ginebra sa best-of-7 PBA Governor’s Cup titular showdown?

Nakatakda ang ‘do-or-die’ game ng Bolts at Texters ngayong alas-7 ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City kung saan wala nang bukas para sa dalawang koponan.

Sinungkit ng Gin Kings ang unang final slot matapos na dispatsahin ang NorthPort Batang Pier ni coach Pido Jarencio, 3-1.

“It’s anybody’s game. The first to blink loses the game,” sabi ng isang basketball aficionado matapos na ipuwersa ng Meralco ang Game 5 sa labanan ng magkapatid na koponan.

Biglang nagbago ang ihip ng hangin at napunta ang momentum sa Meralco makaraang magwagi sa Game 4. Tiyak na sasamantalahin ito ni coach Norman Black upang muling talunin ang TNT at biguin ang ambisyon ni team consultant Mark Dickel ng New Zealand na bigyan ng korona ang Texters.

“We have to play one good game to enter the finals. I instructed my players to play as a team and sharpen their shooting skills and put solid defense to accomplish the mission of playing in the finals,” sabi ni Black.

Inamin ni Black na dadaan ang kanyang tropa sa matinding pagsubok at kailangang aniyang handa sila na tapatan ang Tropang Texters na determinadong rumesbak upang harapin ang mga bataan ni coach Tim Cone sa finals.

“Allen (Durham) played extremely well in Game 4. He has to dish out another decent performance and the rest of the players deliver the needed points,” wika ni Black.

Huling nag-champion si Black noong 2013 bilang coach ng TNT bago hinawakan ang Meralco. Si Black ang pangatlong winningest coach na na­nalo ng 11 PBA titles, kasama ang grandslam noong 1989 bilang coach ng San Miguel Beer.

Muling sasandal si Dickel kay import KJ McDaniels, katuwang sina Jayson Castro, Roger Pogoy, Troy Rosario, Ryan Reyes, Anthony Semerad, Kelly Williams at Yousef Taha.

“We need this game very badly. We will not allow this game slip away from our hands. We have to win it at all cost and play in the finals. That is our goal and I want to accomplish it tonight, come hell or high water,” sabi ni Dickel. CLYDE MARIANO

Comments are closed.