KABATIRANG PANGKAUNLARAN SA PAGMAMANEHO

patnubay ng driver

GOOD day, mga kapasada!

Kumusta po kayo, mga kapasada.  Walang pasada, walang kita, gutom ang resulta bunga ng COVID-19 pandemic.

Sa panahon ng pananalasa ng coronavirus hindi lamang sa Filipinas kundi maging sa buong mundo, o ang salot na nagpapahirap sa mga mamamayan, hindi naman nagkukulang ang pamahalaan sa paghahanap ng kalutasan sa unti-unting pagkalunod ng mga mamamayan,  higit yaong mga nasa laylayan ng lipunan,sa lusak ng karalitaan.

Ngunit may katumbas na kahilingan naman ang pamahalaan sa pagkakaloob ng mga pansalbang alternatibong hanapbuhay na magkaroon ng pangakong ang mga target beneficiary ay susunod sa batas na ipinaiiral upang makaiwas sa ‘di inaasahan lalo na ngayong nararanasan natin ang pandemya.

Tunghayan natin ang isang classical example na panawagan ng pamahalaan sa pagkakaloob ng pahintulot sa alternatibong hanapbuhay na may kakambal na panawagan.

PANAWAGAN NG NTF SA MC PILLION RIDERS

Muling nanawagan si Lieutenant General Guillermo Eleazar, ang Joint Task Force COVID Shield commander, sa motorcycle pillion riders na mariing tuparin ang alinman sa dalawang barrier designs na inaprubahan ng mga eksperto upang maiwasan ang anumang road accident na maaaring magsapeligro sa buhay  ng mga rider.

Ang ganitong panawagan ay ginawa ng NTF Against COVID- 19 bilang pagtalima sa maraming pahayag mula sa social media na bumabatikos sa NTF Against COVID-19’s requirement for barriers bilang rason para makaiwas sa aksidente na maaaring ang  maging end result ay isang motorcycle accident.

Ayon kay Gen. Eleazar, ang naturang dalawang disenyo  tulad ng Bohol prototype at Angkas design, ay dumaan sa masinop na pag-aaral na dito ay isinaalang-alang ang aerodynamics at ito ay isinailalim sa mga pagsubok upang makatiyak na ang mga ito ay hindi lamang epektibong pananggalang ng both riders sa coronavirus infection kundi  titiyak ito sa kaligtasan ng both riders sa road accidents na ‘di inaasahan.

Binanggit ni Eleazar na maaaring ang motorcycle accidents na ibinabato ang sisi sa barriers ay may kinalaman sa ‘di maayos na instalasyon o kaya ay substandard ang ginamit na mateyales.

Panawagan ni Gen. Eleazar, “iwasan po sana natin ‘yung ‘puwede na yan’ mentality kasi ang pinag-uusapan dito ay ang inyong kaligtasan at ang kaligtasan ng inyong kaangkas na asawa o partner.”

Ayon kay Eleazar, ang dalawang disenyo na napagtibay ay tumutugon sa quality standard para sa kaligtasan ng mga rider.

Magugunita na ang NTF Against COVID-19 sa pangunguna ni Defense Secretary Delfin N. Lorenzana, ay pinahintulutan noong ika-10 ng Hulyo ang pillion rider bunga ng kahilingn ng nakararami na payagan ang motorista sa back-ride kahit ang mag-asawa man lamang o kaya ay mag-live in.

Bagaman pinayagan ang  kahilingan ng marami, nagbigay naman siya ng dalawang kondisyon tulad ng:

  1. Na ang instalasyon ng barrier ay kailangan bilang pananggalang mula sa

infection sa dalawang riders dahil maaaring ang isa sa ay nahawa ng virus samantalang ang mga ito ay nasa kanilang pinapasukang trabaho.

  1. Ang ikalawangs rule na ang dalawang pillion ri­ding ay kailangang limitado lamang sa mag-asawa at sa kanyang live-in partner.

Samantala, ipinaliwanag  ni Interior and Local Go­vernment Sec. Eduardo Ano na limitado lamang sa itinatadhana ng second rules na ang pinahihintulutan lamang ay mag-asawa o mag-live in  upang maiwasan ang mga pasawayna pillion riders na gamiting pamasada ang kanilang motorcycle bilang panghanapbuhay.

Inihayag naman ni Gen. Eleazar na halos umabot sa kabuuang 10,932 ang motorcycle riders na hinuli sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa kasong unauthorized back-riding na walang naka-install na barriers samantalang 12,283 naman ang nahuling violators na bagama’t may naka-install na  barriers ay ang back rider naman ay hindi nila asawa o live-in partner.

Umabot naman sa kabuuang 11,509 motorcycle ri­ders ang nahuli  sa kabila na ang kanilang kaangkas ay kanilang asawa o live-in partner sa dahilang ang kanilang ginamit na motorsiklo  ay walang naka-install na barriers.

LTO: PAYO SA DRIVER, PAIRALIN ANG DEFENSIVE DRIVING

Sa panahon ng rainy season, panawagan ng Land Transportation Office (LTO) sa mga drayber na maging maingat sa pagmamaneho to avoid any untoward traffic accident.

Ayon sa LTO, sa panahon ng tag-ulan, maraming unforeseen hazard sa lansangan na maaari namang maiwasan kung paiiralin ang diwa ng defensive driving.

Isa mga dapat iwasan, ayon sa LTO, ay ang pag-iwas sa bumubuntot (tailgating)

Ang ganitong asal ng karamihang drayber ay humahantong sa aksidente na ang bunga ay pagkawasak ng sasakyan at ari-arian.

Pangaral ng LTO, pakatandaan lamang na sakaling may bumubuntot sa inyongminamanehong sasakyan saan mang pook at anumang oras, tiyakin lamang na mag-iwan ng malaking distansiya sa pagitan ng inyong minamanehong  sasakyan at ng sinusundan.

Kung biglang kailanganing mag-preno, may sapat na puwang o espasyong patutunguhan at hindi kayo   matutumbok ng sumusunod na sasakyan.

Sa ganitong alituntunin ay makatitiyak kayo na makaiiwas  kayo sa aksidente at maililigtas ninyo ang inyong ari-arian at maging ang sarili ninyong buhay.

ANG PAG-IWAS SA MABUBUNGGO

Ayon sa isang traffic enforcer na nakapayam ng pitak na ito, may ilang mga drayber na nagkakaroon ng traffic accident ang nagsasabing – “wala akong magagawa, hindi ko naiwasan na hindi siya mabunggo.”

Ito ang palasak na matuwid ng mga drayber na nagkakaroon ng aksidente.

Ang katotohanan, maaaring makaiwas sa mabubunggo kung ang isang drayber ay may kabatiran sa dapat niyang gawin. Narito ang ilang mga payo ng LTO kung papaanong makailag sa mabubunggo sa panahon ng kagipitan.

  1. Kung biglang may tumawid sa inyong harapan o may sasakyan o bisiketa na bigla na lamang lumabas sa garahe o sa parking space, puwedeng magpreno nang todo, pero kung huli na para gawin ito at delikadong sumasdsad sa mismong iniiwasan, huwag nang ituloy.
  2. Mag-break lang nang bahagya para bumagal ang takbo at dumiretso sa kanan o kaliwa na kung saan libre sa trapiko o kung saan may road shoulder. Biglaan ang taktikang ito, kaya tuwing magmamaneho ugaliing nasa manibela ang dalawang kamay at kung maaari ay gu­mamit ng seatbelt, payo pa ng LTO traffic enforcer.

ANO ANG DAPAT GAWIN KUNG PUMALYA ANG PRENO

Ayon ekspertong mekaniko na si Jess Viloria, kasangguning mekaniko ng Patnubay ng Drayber, ang preno ang siyang pinakamahalagang bahagi ng sasakyan na nag-iingat ng susi ng kaligtasan ng mga sumakasay.

Aniya, sa panahon ng tag-ulan, karaniwan sa  mga lansangan ay binabaha.

Problema ng mga drayber ang maiiwasan kaya napipilitan silang isagasa sa malalim na tubig ulan sa rutang kanilang dinaraanan.

Sa ganitong sitwasyon, ayon kay kasangguning Jess, ang karaniwang sanhi ng aksidente sa sasakyan ay bunga ng mga depektong preno na hindi kayang kontrolin o pigilin ang tulin ng sasakyan.

Kapag nabasa ang loob ng brake drum, dulot nito ang karaniwang pagpalya ng brake kung ito ay  tinatapakan.

Sakaling pumalya ang preno, doblehin ang tapak sa clutch at ikambiyo ng reverse o paatras kung maaari.

Patayin kaagad ang ignition at dalhin ang sasakyan sa tabi ng daan upang maiwasan ang ito’y mabunggo ng ibang dumarating  na sasakyan.

Samantala, paalaala ng DOH, panatilihinang SOCIAL DISTANCING sa panahong ito upang maiwasan ang ‘di inaasahang maaaring maganal na dulot ng coronavirus pandemic.

LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI.

HAPPY MOTORING!

Comments are closed.