(Kailangan ng Pinas P900-M) BUDGET VS NCOV

Angelina Tan

ISUSULONG ni House Committee on Health Chairman Angelina Tan ang paghahain ng supplemental budget para sa 2019 novel coronavirus (nCoV).

Ayon kay Tan, aabot sa P900 million ang kakailanganing pondo para matugunan at mapigilan ang nCoV na siya ring inirerekomenda ng Department of Health (DOH).

Sa ngayon, aniya, ay hinihintay pa niya ang isusumiteng proposal mula sa ahensiya bago ihain sa Kamara.

Hiniling din ni Tan na i-modernisa at palakasin pa ang Research Institute for Tropical Medicine at dagdagan ang bed capacity para sa infectious diseases na aabot lamang sa 50 ang bilang sa kasalukuyan.

Pinag-aaralan din ng komite ni Tan kung paano nakapasok sa bansa ang flight ng mga Chinese sa kabila ng travel ban advisory ng gobyerno ng ­Filipinas.

Hiniling ni Tan ang agad na pagpapauwi sa mga Chinese na nasa airport na nakapasok sa bansa.

Paliwanag niya, hindi naman puwedeng isailalim ang mga Chinese na nakalusot sa bansa sa quarantine dahil paglabag ito sa kautusan sa travel ban ng bansa. CONDE BATAC

Comments are closed.