MAAARING bumilis ang inflation sa bansa ng hanggang 8.1 percent kapag nagpatuloy ang giyera sa pagitan ng Russia at ng Ukraine, ayon kay House ways and means committee chairperson Joey Salceda.
“I think it can shoot up to 8.1 percent,” wika ni Salceda.
“I would say that 80 percent naman of the inflation is due to external shocks ang problem is second-round effects,” sabi pa ng kongresista mula sa Albay.
Upang matugunan ang nagbabadyang problemang ito, sinabi ni Salceda na dapat tutukan ng pamahalaan ang proteksiyon ng mahihirap na Pinoy at tiyakin ang food security sa bansa.
“Sa pananaw ko, the right thing to do there is really, unang-una is focus on the poor kasi the rich could take care of itself. This thing will not last naman kasi mas malaking global problem is the need for disinflation,” aniya.
Kaugnay nito ay nanawagan si Salceda sa publiko na suportahan ang appointees ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at sinabing ‘competent’ ang economic team ng incoming administration para tugunan ang naturang isyu.