BULACAN- SUGATAN ang isang 62-anyos na lolo makaraang saksakin ang ulo nito ng kanyang lasing na kapitbahay matapos magka-roon ng pagtatalo nang tumanggi ang biktima na samahan ang suspek sa barangay hall para ireklamo ang barikada na sa Barangay Sto.Nino, Plaridel.
Base sa report ni P/Lt. Col.Victorino Valdez, Plaridel police chief, kay P/Col.Lawrence B. Cajipe, Acting Provincial Director ng Bulacan PNP, nakilala ang naaresto na si Reggie Villamore, fruit vendor habang ang biktima ayn si Alberto Roxas.
Alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente habang ang suspek ay lasing na nagtungo sa bahay ng biktima upang magpasama sa Barangay hall para ireklamo ang barikadasa kanilang lugar ngunit tumanggi ang huli.
Ipinaliwanag ng biktima sa suspek na ang barikada ay bahagi ng enhaced community quarantine (ECQ)sa kanilang lugar hanggang mauwi sa mainitang pagtatalo at nasaksak ito. MARIVIC RAGUDOS