KARLA ESTRADA KEBER KUNG MATABA SIYA

HAPPY Si Karla Estrada sa estado niya ngayon.rated

Kahit sabihin ng iba na “mataba” siya at pang “plus size”, hindi siya apektado. Keber nga naman niya. “Masarap kumain,” habang enjoy na enjoy niya ang lunch niyang sinampalukang manok na sinamahan ng tortang giniling na sinundan ng tawa.

Sa katunayan, happy siya at ang pagiging isang “plus size” swimwear company na kilala internationally ay natutuwa sa kanya at tinutulungan niya itong i-promote sa social media account niya.

Naikuwento niya na ang anak na si Daniel Padilla ay supportive sa pag-aartista niya. “Nag-guest nga sila ni Kathryn (Bernardo). Happy lang,” pagmamalaki niya sa anak.

Yes, ikakasal na sina KathNiel. Nagpaplano na. “Sa eksena nila sa movie, narinig ko, kun­yari nag-uusap na sila about marriage,” kuwento ng ina ni DJ.

May anim na araw na sila nagso-shooting, kuwento ni Direk Jerry Sineneng sa amin.

Pero in real life wala pa. Hindi pa. wala pa sa priority ni DJ, tsika ng ina.

“Mabait na bata ang anak ko. Pati si Kathryn, mabait yan. Bagay sila. Nakatagpo ang anak ko ng babae na babagay sa kanya.”

Hindi ko naitanong kay Karla kung first time niya makatrabaho si Direk Jerry, “Gusto ko si Direk(Jerry). Magaan katrabaho at mabilis,” sabi ni Karla.

Sa pelikula, personal choice niya ang komed­yante na si Jobert Austria ang siyang makaka-partner niya. They play husband and wife.

“Masaya ang working relationship namin sa set ng movie. Gusto ko rin tulungan si Jobert,” kuwento ni Karla.

Sa pelikula, ang teen star na si Marco Gallo plays his son. Mga blandina ang hair ng mga anak ni Karla sa movie. At kung ano ang dahilan ay malalaman natin sa kabuuan ng pelikula.

MARCO GALLO TURN OFF SA BABAENG PALABAN

PANGALAWANG pagkakataon ko na na-meet in person ang latest “Pantasya ng Bayan” na si Marco MARCO GALLOGallo last Saturday sa set ng Familia BlandINA kung saan he plays one of the children of Karla Estrada na asawa naman ng komedyanteng si Jobert Austria.

Very open si Marco. Straightforward during our interview. Kuwento niya, kaya pala naghiwalay sila ni Kisses Delavin ay dahil sa sabi-sabi (tsismis) ng mga taong nakapaligid sa kanila.

“But ok na. We’ve learned a lot when we separated. I learned a lot dahil baguhan ako. I hope ganun din siya,” sabi ng binata na kaswal na kaswal na ayon sa kanya ay siya daw ‘yun.

Nang uriratin namin siya tungkol sa tsismis na nililigawan (or girlfriend na niya si Juliana Gomez (anak ni Ormoc Mayor Richard Gomez at Leyte Rep. Lucy Torres) ay tumawa lang siya.

“No hindi. Juliana is one of my best friends. Walang ganun,” sabi ni Marco. Dito sa Pilipinas, kapag nakita ang lalaki na kasama ang isang babae ay magko-conclude na sila na “sila” na ng girl.

“Friends kami. May tsismis pa na nakita raw kami sa Mc Donalds (Greenhills) dating but the truth is, marami kami. Mga friends namin went to that fast food chain. Kumain lang kami,” kuwento niya sa matalas-talas na niya na pananagalog.

Sa isang summer shoot ng Bench (kung saan both are celebrity endorsers) para sa tourism campaign form Ormoc unang nakasama ng binata ang dalaga nina Goma at Lucy. From then on, mas naging close sila sa isa’t isa. Sa katunayan sa prom ni Juliana, si Marco ang nating escort (date) ng dalaga.

Yes, aminado si Marco, na” chick boy” siya dati. Pero now hindi na. Natu-turn-off siya kapag ang babae na gusto niya ay iba pala ang nagiging ugali. “ I get surprised kapag ang ugali ng babae ay palaban pala.

At si Juliana: “She’s mabait. Barkada kami,” sabi lang ni Marco.

Comments are closed.