KATRINA HALILI HANDA NANG MAGKA-LOVELIFE

ILANG taon na rin namang loveless ang sexy actress na si Katrina Halili. Lumalaki wallfacena rin ang kanyang unica hija, courtesy of her boyfriend Kris Lawrence na ngayon ay 7 years old na.

Pinangatawanan talaga ni Katrina ang pagi­ging isang ina habang alagain pa ang kanyang baby, pero ngayon na lumalaki na ito ay tila bibigay na rin si Katrina at ready nang magkaroon ulit ng panibagong lovelife.

Isa kasi sa nais ni Katrina ay ang matanggap ng kanyang magiging bagong karelasyon ang kanyang anak at ganu’n din naman ang kanyang unica hija, na dapat ay boto ito sa guy. Bukod sa nabanggit ay nais din ni Katrina na seryoso na ang susunod niyang magiging karelas­yon. ‘Di na raw niya feel na mag-isip ang anak kung bakit paiba-iba ang kanyang nagiging boypren.

Biro pa nga ng sexy actress, dapat ay may datung din ‘yung guy, hindi raw pinangarap ni Katrina na siya pa ang gagastos sa magiging karelasyon, ‘yung tipo ng guy na kaya silang buhaying mag-ina at hindi ‘yung kanya-kanyang gastos.

Sa ngayon ay abala si Katrina sa bagong niyang teleserye sa Kapuso Network,  na “Prima Donnas” ng mga dating child star na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo.

THEA TOLENTINO SINUSUNDAN ANG YAPAK NI CELIA RODRIGUEZ

SI Celia Rodriguez ba ang bagong peg ngayon ng prima kontrabida ng Kapuso na si THEA TOLENTINOThea Tolentino? Sa bago kasi niyang teleserye, ang “Madrasta” kapalit ng naudlot nilang teleserye ni Gabbi Garcia na “Rosang Agimat”, ay kakaibang kontrabida naman ang role ni Thea. Sosyal na kontrabida na tiyak na kakainisan kahit pa magarbo sa pananamit.

Parang si Celia Rodriguez ang peg ni Thea sa bago niyang karakter. Say nga ng young actress, sadya raw pinabago niya ang kanyang looks para mas lalo siyang kainisan ng televiewers. Maging sa magarbong pananamit ay may say na rin si Thea, ipinapasok niya ang mga naiisip niyang isuot na kakaiba na tila naman nagugustuhan na rin ng kanilang production designer.

Isang ba­gong Thea Tolentino na naman ang mang-aasar sa televiewers, pero this time ay ya­yamanin na ta­laga ang kanyang dating hindi tulad ng mga nauna niyang teleserye na social climber lang ang peg.

Comments are closed.