KC CONCEPCION INISNAB ANG B-DAY PARTY NG INA

NAGING madam­damin ang birthday message ni KC Concepcion para kanyang hotshotsinang si Sharon Cuneta na nagdiwang ng kaarawan last January 6 sa “ASAP Natin To” last Sunday na hindi  nadaluhan ng kanilang kaisa-isang anak ni Gabby Concepcion.

Dahil  sa hindi  nakasipot  o  nakadalo si KC sa celebration ng ina ay nagpaliwanag  ito sa kanyang Instagram account para humingi ng sorry. Personal reason ang naging dahian ni KC kaya  hindi siya nakarating sa birthday ce­lebration ng ina.

“Happy  birthday, mama. I`m sorry I couldn’t  join  the ASAP celebration for personal  reasons. We may not be perfect, but in the many ways I know how to LOVE you. I have, I do and I always will.

“I  have done all I can to help you when I could  and to make you proud knowing you had me so young, If I fail, I`m only human and I`m  sorry. But I try my best.

“Happiest  birthday  to  you  mama. May your  light  shine brighter and brighter and I will see  you soon. I love you and pray for your  happiness  always,” ang birthday message ni KC  na may kasamang old photo nilang mag-ina.

Sa mensahe niya kay Sharon ay hindi na binanggit ni KC kung ano ang sinasabi niyang personal reason kaya hindi siya nakarating sa celebration ng Megastar sa “ASAP Natin “To.”

Kung dumalo si KC sa birthday celebration ng ina ay ‘yun sana ang unang pagkakataon na makikita  niya  ang mga  nakasamang  talent ng Kapamilya.

May  humula naman na baka raw si Piolo Pascual  ang iniiwasang makita ni KC kaya dinedma niya ang birthday celebration ng ina.

BUBBLE GANG MAGARBONG KATATAWANAN ANG SALUBONG SA BAGONG TAON

SA  pagpasok ng Bagong Taon ay magarbo at nakakaaliw  na katatawanan  ang  inihanda ng Bubble Gang barkada sa lahat ng followers ng longest running gag show sa te­lebisyon.

Sa  dami  ng  gustong makalabas  o maging guest sa BG ay hindi na­ging problema ng cast sa pangunguna nina Michael V, Boy 2 Quizon, Antonio Aquitania, Paolo Contis, Kim Domingo, Andrea Torres, Valeen Montenegro, Jackie Rice, Arny Rose at iba pa para maisalang ang mga ito every Friday evening sa GMA 7.

Sa darating na Friday ay masasalang sa  iba`t ibang  gag segment ng BG sina Kristoffer Martin, Faye  Lorenzo, Ashley Rivera, Liezel Lopez, Yasser  Marta, Jimwell Ventenilla at Ella Cristofan.

Sasalang sila sa gag Dance Rehearsal, Undercover. Drama Drama Ko, Ulo Ulo Lang Game, Hubad sa Katotohanan, Unhappy Birthday at iba pa.

HATOL SA FRANCHISE NG ABS CBN INAABANGAN

MARAMI  na ang nag-aabang  sa magiging hatol  ng palapit  nang  palapit na expiration franchise ng ABS-CBN. Mare-renew raw ba o hindi ?

Mayroon na lang 24 regular sessions ang Congress para pag-usapan o pagtalunan kung mare-renew pa uli ang franchise ng Kapamilya Net-work.

Sa January 20 ang si­mula ng session bago nga kanilang  Holy Week break on March 14 na tatagal hanggang May 3 ng taon.

Sa loob ng 24 session ay kailangan na nilang maipasa ang nasabing franchise ng ABS-CBN  renewal para madala ito sa Senate bago makarating kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil kung hindi ay wala nang  mang­yayaring renewal pa sa franchise ng Kapamilya Network.

Kaya  hindi maiiwasan na kabahan ang mga nagta-trabaho sa Dos pero mayroon din naman na positive  at maganda ang ending ng pag-uusapan renewal ng franchise.

Nakatakdang mag-expire ang franchise ng ABS CBN sa March 25, 2020. Ngayon pa lang ay may lumulutang ng mga pa­ngalan ‘di umano na mag-te-take over sa Kapamilya Network. Nandiyan ang negosyanteng si Dennis Uy at former Senator Manny Villar sakaling  magkaroon ng problema sa renewal ng franchise.

Comments are closed.