DIRETSAHANG sinupalpal ni KC Concepcion ang mga artista na walang magawa kundi batikusin ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Sa halip daw sana na tirahin ay suportahan na lang daw ang Pangulo dahil hindi ganoon kadali ang ginagawang pagpapasakit at pagmamahal sa ating lahat para maibsan at malampasn ang mga dinaranas nating sakit na buong mundo ay biktima.
Nagbigay ng words of wisdom si KC at nanawagan na suportahan ang ating Pangulo kung wala rin lang daw maiaambag na tulong sa mga naghihirap nating kababayan.
“So many of us have opinions about how this current crisis should be handled in our country. And I`ve been praying for our voices, as Filipinos, to be heard by our leaders….Nakakatuwa lang isipin na sa ganitong paraan, nakikita natin kung paano tayo puwedeng magtulungan sa panahon na ito.
“Ang dami ring NGO, LGU at essential workers na walang pagod na kumikilos at buong pusong humaharap sa lahat ng pagsubok na ito.
“Lets continue praying for our leaders in the Philippines and leaders all over the world, who need to make tough decisions during this time. PH, We’re in this together,” Instagram post ni KC Concepcion.
Samantala, sinagot ni KC Concepcion ang ilang katanungan, tulad ng kung single ba siya ngayon? Kung naniniwala ba siya sa second chance?
Yes, single na single daw siya ngayon pero handa nang mag-asawa at naniniwala rin daw siya sa second chance kaya nagdiwang ang fans ni Piolo Pascual dahil may pagkakataon pa ring magkabalikan sila ni KC.
Kung pag-uusapan naman ang lockdown na pinaiiral ngayon sa ilang lugar sa ating bansa para masugpo ang pagkalat ng Covid-19 ay walang problema kay KC dahil lumaki itong independent at naninirahang mag-isa sa abroad.
Kaya balewala kay KC kung mananatili siyang mag-isa lang sa bahay dahil alam na alam na nito ang lahat ng gawaing bahay.
Sana lang, matagpuan ni KC ang lalaking totoong magmamahal sa kanya at sasambahin habambuhay.
Marami nang pagsubok ang pinagdaanan ni KC at nararapat lang na makahanap siya ng tunay na lalaking magmamahal at hindi siya lolokohin.