ISA sa masasabing malakas na pelikulang panlaban ngayong Metro Manila Film Festival ay ang movie ni Kim Chiu na “One Great Love.” Bukod sa napakaganda ng istorya ng naturang movie ay first time itong gumawa ng masasabing daring and sexy scenes ni Kim hindi lang sa isang actor kundi dalawa pa sina JC de Vera at Dennis Trillo.
Pero ang kapanabayan naman nito sa takilya ay ang mga pelikulang pinagbibidahan ng mga box office stars tulad nina Vice Ganda, Coco Martin, Vic Sotto, Dingdong Dantes, at iba pang bankable actors. Hindi naman kaya kinakabahan ang isang Kim Chiu sa kalalabasan ng kanyang movie sa takilya, lalo na ang Kapaskuhan ay pambata at medyo sensitive sa mga bata ang mga eksena sa movie niya?
Ani ni Kim, hindi naman daw siya nag-aalala sa box office return ng movie nila, para sa actress ay ginawa niya lahat ng kaya niyang gawin para mapaganda ang kanilang movie at makapag-entertain ngayong Kapaskuhan. Proud naman daw si Kim sa kinalabasan ng movie niya at naniniwala siyang magugustuhan din ito ng moviegoers. At pagdating naman sa acting award, diretsahang sinabi ni Kim na hindi na siya umaasang mananalo dahilan na rin sa magagaling na kalaban niya sa naturang kategorya.
COCO MARTIN TARGET NA MAIDIREHE NI DIREK PAUL SORIANO
AMINADO ang magaling na director at mister ni Toni Gonzaga na si Direk Paul Soriano na sa kabila ng paggawa niya ng mga makabuluhang mga pelikula, tulad ng “First Love” nina Aga Muhlach at Bea Alonzo, “Thelma” ni Maja Salvador, “Siargao” ni Jericho Rosales ay may gustong-gusto siyang gawin isang genre ng pelikula pero bantulot siyang gumawa nito ngayon, ang isang action film.
Hindi sa takot si direk Paul na mapasama ang kanyang movie sa mga action film na hindi kinakagat ng masa kundi ang kay Direk Paul ay ang budget ang dahilan. Ani ng magaling na actor, kung gagawa rin siya ng maaksiyong eksena, gusto niya ay ang tulad ng sa “The Fast and Furios” series, walang habas na siraan ng mga kotse, hindi lang basta kotse kundi mga mamamahaling sasakyan. Gusto kasi ni direk Paul na hindi titipirin ang kanyang mga eksena. At kung may napipisil siyang gustong idirehe, feel ni Direk Paul si Coco Martin, dahilan sa nagagalingan daw ang director kay Coco pagdating sa pagiging actor.
MARCO GUMABAO INAALAY ANG TAGUMPAY SA AMA
NAGING masuwerte ngayong taon si Marco Gumabao, halos sunod-sunod ang pelikulang ginawa niya at nagkaroon pa siya ng teleserye na “Los Bastardos” ng ABS-CBN. Marami na ang nagsasabing malamang ay mapantayan niya ang narating na tagumpay sa showbiz ng kanyang amang actor na si Dennis Roldan. Kung hindi man makapantay ay may chance na malampasan pa niya ito lalo pa’t balitang sa taong 2019 ay nakatakda nang gawin ni Marco ang isang pelikula na kung saan ay ilolo-launch siya into full stardom ng kanyang mother studio, ang Viva Films.
Ani ni Marco, masaya naman daw at updated ang kanyang ama na nakakulong ngayon at ongoing ang kaso, sa nararating ni Marco sa showbiz. Madalas din daw niya itong bisitahin at nakukuwento niya sa ama ang mga nangyayari sa kanyang karir. Humihingi rin daw ng ilang payo si Marco kay Dennis para mas lalo pa niyang mapaghusayan ang kanyang pinasok na propesyon.
Comments are closed.