KIM CHIU NANAWAGAN SA PUBLIKONG HUWAG LUMABAS

PATOK na naman ang awitin ni Kim Chiu na Bawal Lumabas (The Classroom song) dahil sa tumataas na bilang ng mga infected sa Omicron variant. Kaya naman binawi niya ang naunang sinabi na ‘puwede nang lumabas’ para manood ng sine. Seryoso siya sa kanyang panawagan lalo pa’t meron din siyang mga kaibigan at loved ones na infected ng omicron.

“For me, some of my friends, loved ones are infected by #omicron. I hope and pray that this will be the beginning of the end. Keep safe everyone #BawalLumabas bahay muna, pahinga from all the parties and vacation that we had. Take this time to reflect, reset, eat healthy, exercise, drink your vitamins and plan for the rest of the days of 2022. If you have any of the symptoms please isolate na kaagad para di mahawa yung mga kasama nyo sa bahay. More than anything we really have to be responsible. Kaya natin ‘to,” aniya.

Pansamantala munang itinigil ang live telecast ng It’s Showtime. Hindi malinaw ang balita kung may mga nag-positive sa COVID-19  Omicron variant sa mga host o staff ng show. Baka naman nag-iingat lang sila. Dinig ng aming source, sa January 17 na uli ang live ng ‘It’s Showtime’ para makapagpahinga rin sila.

SOFIA ANDRES RUMESBAK SA BASHER

HINDI rin nakaligtas si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach. Nagpositibo siya sa COVID-19. Naramdaman raw niya ang mga sintomas habang nasa United Kingdom kahit pa kumpleto siya sa bakuna.

Nagpositibo rin ang kapatid niyang si Sarah kaya agad nag-isolate sila ng ilang araw. Sumailalim sila sa COVID-19 test at fortunately, Pia and her sister already tested negative.

Halos iisa ang kapalaran nila ni Kapamilya actress Sofia Andres na mag-isang sinalubong ang New Year dahil kinailangan n’yang mag-quarantine matapos ding mag-positive. May surge din kasi ng COVID sa Europe kung saan nagbabakasyon siya kasama ng kanyang pamilya. “After 10 days … finally I’m negative,” anunsyo ng Kapamilya celebrity sa kanyang Instagram.

Kaya lang, na-COVID nan ga, na-bash pa si Sophia matapos manawagang “Please wear your mask, be kind, drink your vitamins, eat healthy & love yourself.”

“What a way to start 2022,” aniya. “I know it’s not easy spending New Year’s alone but we have more days & years ahead of us. Be strong.”

Sarcastic ang mga comments sa nasabig mga post kaya hindi niya napigilang rumesbak.

“Reading their bio saying #GodIsInControl #GodIsEverything… I just hope the best for them,” ganti ni Sophia. “[And] saying ‘so what’ if I had experienced Omicron… send help,” inis pang pahayag ng aktres.