KIM CHIU PASOK SA TOP CELEBRITY TAXPAYERS; BOY ABUNDA ‘DI MAPAPAGOD SA PAGSASALITA TUNGKOL SA MGA NANAY

kim chiu

PASOK si Kim Chiu sa hanay ng top celebrity taxpayers ng bansa. Hindi man i-flaunt ni Kim ang kanyang properties and investments, masisilip naman kung magkano ang binabayaran niyang tax sa BIRreflection every year.

Tinanong ng Asia’s King of Talk Boy Abunda sa “Tonight with Boy Abunda” si Kim tungkol dito at ayon sa kanya sakto lang daw ang yaman niya. Although, inamin niya na keri na niyang bilhin lahat ng gusto niyang ma-gets na material things.

Pero sabi naman ni Kuya Boy kay Kim, kung sakto lang ang pera niya, hampaslupa na ang ibang artista.

And speaking of Kuya Boy, matagumpay at level-up ang naganap na awards night ng kanyang Make Your Nanay Proud Foundation para sa 2018 Best Nanay Awards na ginanap sa Chardona by Astoria sa Pasig City kamakailan.

During his speech ay nakuwento niya ang kasalukuyang kalagayan o pinagdadaanan ng kanyang ina na si Nanay Lesing Ro-merica Abunda na siyang dahilan sa pagbuo niya ng Make Your Nanay Proud Foundation.

May dementia si Nanay Lesing at paiba-iba ang kanyang kondisyon. Ipinagawa raw niya ng parang hospital bed si Nanay Lesing sa kanilang bahay at thankful siya dahil malakas pa rin lahat ng vital signs nito.

“She’s a very strong woman.  She’s turning 90 ngayong January 1, 2019. Nanay’s vitals are very strong. She has aged-old-dimentia. May mga araw na ang aming dasal na sana ay makapagpahinga at matulog.  ‘Pag natutulog naman dalawa, tatlong araw dire-diretso. May mga araw naman na ang aming dasal ay sana’y gumising dahil tuloy-tuloy din ang kanyang tulog,” pahayag ni Kuya Boy.

“Pero hindi ako mapapagod sa kakasabi sa inyo at sa buong mundo using my platform that the biggest blessing I have in my life ay binigyan ako ng Panginoong Diyos ng pagkakataon na maging nanay sa aming nanay. Because naniniwala ako that no other job, no other profession, no other person in the world is more important than a mother,” say pa n’ya.

Naging guro si Nanay Lesing sa loob ng 41 taon, 11 buwan at dalawang araw, ayon kay Kuya Boy. Tuwing sumasali raw siya sa mga contest, sinasabi sa kanya ni Nanay Lesing na ‘wag isipin kung mananalo siya o hindi dahil bago pa man magumpisa ang contest, winner na agad si Kuya Boy.

“Speak slowly. Listen to yourself, ang sabi niya sa akin. At ang pinakamahala sa lahat ay ang sina­sabi ng Nanay lalo na nu’ng ako’y naguumpisa rito po sa celebrity business, Huwag kang mapapagod at huwag kang masisilaw sa ilaw. Know your way back home. For as long as you know your way back home, you’re okay.”

Ibinigay ang special award kay Mrs. Rhodora Morales at kabilang sa sampung butihing mga ina na itinanghal bilang Best Nanay for 2018 ng MYNP Foundation ay ang retired teacher na nagtaguyod sa dalawang anak na makapagtapos sa kolehiyo at tinawag din bilang NayTay ng Tondo na si Mrs. Flocita Tiles Gragas.

GINA PARENO GUSTONG MAGKABALIKAN SINA ANGELICA AT CARLO     

PINAG-USAPAN sa social media ang picture nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino na naghahalikan. May nag-conclude na confirmation na ‘to na magkasintahan na ulit ang mag-ex. Marami naman ang kinilig na netizen at nag-wish na true na talaga na nagkabalikan sina Carlo at Angelica.

Nagulat naman kami na isa sa kinikilig at gustong-gusto rin na maging sina Carlo at Angelica na ulit ay walang iba kundi ang veteran actress na si Gina Pareno.

“Napanood ko ‘yung movie nila, ang ganda. Alam mo gusto ko ‘yung dalawa magbalikan. Ang galing-galing pala ng batang ‘yun, si Carlo. Gusto ko magbalikan ‘yung dalawa.” Sabi ni Direk Dan (Villegas), “Ayos na.”

Tampok din si Gina sa episode ng “Maalaala Mo Kaya” last Saturday sa ABS-CBN kung saan kasama niya si Loisa Andallo na gumanap bilang apo niya na si Kikay na lumaki sa sementeryo at tumutulong sa pamilya sa pamamagitan nang pagbebenta ng kandila at bulaklak.

Bukod kina Gina at Loisa, kasama rin nila sa MMK episode sina Yul Servo, Ynez Veneracion, Raikko Mateo, Raine Salamante, Melissa Jimenez, Yesha Camile at Miel Espinosa sa direkiyon ni Nuel Naval.

Comments are closed.