KNOTT BIGONG UMUSAD SA SEMIS

Kristina Knott

TAPOS na ang kampanya ni Filipino-American sprinter Kristina Knott sa Tokyo Olympics makaraang mangulelat sa kanyang heat sa women’s 200m run.

Ang 25-anyos na si Knott ay naorasan ng 23.80 seconds para sa huling puwesto sa limang kalahok sa Heat 7.

Tumapos si American Jenna Prandini sa unang puwesto na may 22.56 seconds, kasunod sina Gina Bass ng Gambia na may 22.74 seconds, at Riley Day ng Australia, na may 22.94 seconds.

Dalawampu’t apat na runners lamang ang uusad sa semifinals — ang top three sa bawat heat at ang susunod na tatlong pinakamabilis na oras.

Si Knott ay magtatapos sa 37th overall mula sa 41 kalahok.

Ang personal best time ni Knott ay ang kasalukuyang Philippine national record na 23.01, na kanyang naitala sa 2019 Southeast Asian Games. CLYDE MARIANO

6 thoughts on “KNOTT BIGONG UMUSAD SA SEMIS”

  1. 727205 360993I dont agree with this specific article. Nonetheless, I did researched in Google and Ive discovered out which you are correct and I had been thinking within the incorrect way. Continue producing quality material related to this. 920585

Comments are closed.