KRIS AQUINO PABORITONG KURUTIN NG MEDIA

faceup

LAGI na lamang kinukurot ng media si Kris Aquino kahit nananahimik na ito kasama ang kanyang mga anak. Sabagay, sikat kasi, kaya konting kibot, may comment agad ang media at ang netizens, at todo react ang mga ha­ters at bashers.

Sa totoo lang, hindi masyadong palasagot sa Kris. Namimili lang siya ng isyung sasagutin. Mapapanood mo na lang siya sa kanyang FB live kung saan siya mismo ang nagpapaliwanag o nagbibigay linaw sa isyu. May mga pagkakataon ding siya mismo ang nagbibigay ng kanyang opinyon lalo na at inaaway siya ng mga   bashers.

At ‘yun na, may kumanti sa kanya pero tulad ng dati, hindi na ginantihan ito ni Kris. Pero, kapag mga anak na niya ang kinanti, hindi siya makakatiis. Kahit naman sinong ina siguro, magagalit pag anak mo ang kinanti. Tulad ng mga naglabasang isyu sa mga anak niyang siya Bimby at Joshua. Di ba pinag-usapan ang pagiging ama ni Joshua. Nabuntis daw niya ang kanyang girlfriend na nakatira sa Tarlac. At si Bimby, may isyu rin ng pagiging gay.

Grabe ang mga bashers kung paano nila pinagpiyestahan ang nasabing mga isyu. Buti na lang, mahusay magdepensa si Kris e. Tinanong niya ng face to face si Bimby kung gay, at ang sagot ng kanyang anak na, ‘Ma, I am straight.” At ibang tsismis naman ang umusbong. Na may relasyon daw si Bimby kay Miles Ocampo. Pero mag-best friend lang daw ang dalawa, ani Miles, at napakabata pa nila para sa pakikipagrelasyon.

Tungkol naman kay Josh, hindi raw totoong nakabuntis ito. Nag-e-enjoy lang raw ito sa pagtira sa Tarlac. Pero kung duma­ting ang panahong magkatotoo ito, okay lang daw naman kay Kris.

Kumusta naman kaya ang lovelife ni Kris? May bago na bang pag-ibig?

Loveless at 50, pero open din daw na pag-usapan ang kanyang lovelife. Natutuwa rin siyang pag-usappan at i-throwback ang ilang chapters ng kanyang buhay, kahit pa ang pakikipagrelasyon niya sa dating kyusi mayor na si Herbert Bautista. Marami nga ang naghihinayang na hindi sila nagkatuluyan.

Naghihintay raw siya ng tamang panahon para sa kanyang Mr. Right. Anyway, mainit na paksa pa rin ang queen of social media, kahit wala siyang pelikula at TV show. Nakikita na lang siyang nagla-live sa kanyang FB account, at marami pa rin siyang followers. Very generous pa rin siya. Magbibigay siya ng paksa at hihingin niya ang opinyon ng mga viewers. Doon siya mamimili ng mga mananalo. Bongga ang kanyang papremyo. House­hold appliances, GCs at cash money.

Samantala, may lumabas na isyung papasukin raw ni Kris ang politika. Isinasama ang pangalan niya sa line up ng senador. Sa aming opinyon, kuwalipikado naman siya para maging public ser­vant, pero wala pa siyang desisyon ukol dito. Sure, pwede siyang manalo, kaya lang, makaya kaya niya ang pressure at stress, lalo pa ngayong masasakitin na si Krissy.

 

JOHN LLOYD CRUZ NAGPATAAS NG TALENT FEE

ANO ba ang TV project ni John Lloyd Cruz na gagawin niya sa channel 7? Pagkatapos mapanood sa game show ni Willie Revillame at makipag-meeting sa big boss ng GMA-7, wala pang linaw kung ano ba ang gagawin ng nagbabalik na aktor. Siya kaya ang magho-host ng Wowowin sakaling tumakbong senador na si Willie? Baka naman sadyang on hold muna ang lahat. Ika nga, “to be revealed” as in bonggang announcement, tulad ni Bea Alonzo.

Pero kumalat din ang balitang nakikipag-usap siya sa mga bossing ng ABS-CBN. Hindi natin masisisi si Loydie. Ang management company ni Maja Salvador na humahawak sa kanyang showbiz career ngayon, at marahil, sumusunod lang siya at tinitimbang ang bawat alok. Hindi kaya may kinalalaman sa talent fee kaya wala pang pinal na usapan sa GMA7 o sadyang matimbang pa rin sa aktor ang Kapamilya Network. Hangga ngayon ay pinag-iisip at pinaghihintay niya ang kanyang mga fans.

66 thoughts on “KRIS AQUINO PABORITONG KURUTIN NG MEDIA”

  1. 860208 559395Oh my goodness! an amazing article dude. Thank you Even so My business is experiencing dilemma with ur rss . Dont know why Unable to subscribe to it. Can there be anyone obtaining identical rss problem? Anybody who knows kindly respond. Thnkx 117

Comments are closed.