(Kung ‘di raw magkakaasawa) SHARON WILLING IPA-FREEZE ANG EGG NI KC MABIGYAN LANG NG APO

sharon cuneta

NAKUHANAN ng maigsing paha­yag si Megastar Sharon Cuneta hinggil sa break-up chizmaxng anak na si  KC Concepcion at sa French boy-friend na si Pierre Plassart.

Ayon sa megastar, okey lang daw na hindi mag-asawa ang anak, pero gusto raw niyang magka-apo rito.

“Five years ago, I told her, ‘Anak, you don’t really have to get married if you feel like you don’t have to. Huwag mong pi­litin just because…’,” sabi ng mega-actress sa anak.

Dugtong pa ni Mega i-freeze na lang daw ang eggs ni KC.

“Just don’t deprive me of beautiful grandchildren kasi ganda ng anak ko,” pagtatapos ni Sharon.

Well, sayang nga naman ang lahi ng Gabby Concepcion at Sharon kung hindi ikakalat ng kanilang anak na si KC.

KEN AT RITA NAGSALITA NA SA TOTOONG ISYU NILA KAY ALEX

NAGSALITA na sina Ken Chan at Rita Daniela sa umano’y pangdededma sa kanila KEN AT RITAng Kapa­milya TV-actress-vlogger na si Alex Gonzaga.

Hanggang ngayon kasi ay pinag-uusapan pa rin ang isyu sa tatlong involved na celebrities.

Kung tutuusin sinagot na ni Alex ang mahabang mensahe ni Manay Lolit Solis sa kanyang IG account ba siya ang unang naglabas ng nangyari sa Davao airport kamakailan.

Ayon kay Alex, nag-hi pa raw sila sa isa’t isa.

Nahingan sina Ken at Daniela ng panig nila nang makita sa premiere night ng Kiko en Lala.

Ayon kay Rita, okay na raw sila at nagkausap na sila ni Alex. At sana ay ‘wag nang palakihin ang isyu dahil tapos na raw ‘yun.

Nang tanungin kung ano ba ang katotohanan ng nangyari sa airport ay ‘di agad nakasagot ang Kapuso actress.

Si Ken ang sumagot. Hindi niya tuwirang sinabi kung may isnaban na nangyari. Bagkus, aniya, baka raw nu’ng time na ‘yun ay pagod ang mga artista or wala sa mood.

“So, siguro ‘yung gabi na ‘yun na nakaharap namin si Alex, e, na-misinterpret siguro kasi ang dami namin dun sa lounge, e, sa Davao.”

Ayon pa sa dalawang Kapuso artists, totoong nagpakilala raw sila kay Alex as a vlogger fan ng actress.

“Really a fan, really a fan of Alex! And it’s our way to pay respect to her.”

Pinatotohanan din ng dalawa na nag-shake hands daw sila nina Alex tulad ng sinabi ng huli sa kanyang socmed.

Ani Ken, “Totoo naman po ‘yun, nag-shake hands, of course, kasi kami po ‘yung lumapit sa kanya so nag-shake hands po siya.”

Ayon pa kina Ken at Rita matagal na raw nangyari ang insidenteng ‘yun kaya nagulat sila nang may lumabas lately.

Maganda rin ang sinabi ni Ken, “Sabi nga namin, sana nga magkaroon ng event ang ABS-CBN at GMA na magkasama, parang GMA Network and ABS-CBN Ball!

“Para lahat magkakaibigan, kahit sa araw na yun, sa gabi na yun, mawala yung… hindi natin isipin yung competition, yung ratings.

“Alam mo yun, parang lahat tayo magkakakilala, na sa isang industriya lahat magkakaibigan.”

Kung magkakaroon ng pagkakataon gusto pa rin ba nilang maging kaibigan si Alex.

“Why not? Oh, my gosh, again, we’re fans of her, we’re fans of her,” sabay na sabi ni Ken at Rita.

Comments are closed.