NAG-IWAN ng marka sa mga manonood ang tambalan nina Sunshine Dizon at Gabby Concepcion sa super hit teleserye na panghapon ng GMA7, ang “Ika-6 Na Utos” at ngayon ay kapwa bisibisihan na ang dalawa pero hindi na sila ang magkapareha by this time.
Si Gabby Concepcion ay si Jennylyn Mercado ang makakapareha sa ginagawang teleserye ngayon na wala pang working title, samantalang isang Gabby rin ang ipinalit bilang bagong leading man ni Sunshine, si Gabbi Eigenmann, para sa isang heavy drama teleserye na “Inagaw Na Bituin”. Bukod sa dalawa ay bigatin din ang makakasama nila, sina Angelu de Leon, Angelika dela Cruz, Marvin Agustin, Kyline Alcantara at Therese Malvar.
Good news ito para sa mga sunflower ni Kyline at mga follower ni Therese dahilan sa silang dalawa ang lead role sa “Inagaw na Bituin”. Bale lalabas na launching teleserye ng dalawa sa pagiging lead cast. Ngayon palang ay super excited na si Kyline sa pag-sisimula ng kabanata sa bagong yugto ng kanyang showbiz career, ang pagiging bida na sa teleserye.
Good news ito para kina Gabbi Eigenmann at Kyline Alcantara, pareho kasi silang winner sa nakaraang Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club, Inc., (PMPC) sa kategoryang best supporting actor at best supporting actress respectively. With Therese, Sunshine, Angelu, Angelika at Marvin, sure pabonggahan ng aktingan ito sa lahat ng cast.
PAOLO CONTIS KAKARERIN ANG PAGIGING AMA SA ANAK NILA NI LJ REYES
SA Enero 2019 na nakatakdang magsilang si LJ Reyes ng magiging baby nila ni Paolo Contis. Kung kaya ngayon pa lang ay kayod-kalabaw na si Paolo dahil sa pagsisilang daw ni LJ ay gusto ni Paolo naroon siya hanggang sa manganak ito at mag-alaga sa sanggol.
Say ni Paolo, kahit naging isang ama na rin siya at pareho rin babae, ay naninibago na si Paolo sa pag-alaga ng bata. Matagal-tagal na raw kasi nang huli siyang nag-alaga ng sanggol. Kung kaya dalawa sila ni LJ ang kumuha ng new-born baby class.
Kahit nandoon daw ang instinct niya bilang ama ang tanong kasi ni Paolo sa sarili ay kung marunong pa ba siyang mag-alaga ng sanggol? Kung alam pa ba niya ang magpalit ng diapher ng bata? O magbuhat ng bagong silang? Lahat niyan ay muling pinag-aralan ni Paolo. Say pa nga ni Paolo, super excited na siya na muling makakarga ng sanggol.
ORIGINAL SANG’GRE ‘DI HALAW SA ENCANTADIA ANG PROYEKTONG GINAGAWA
HABANG break sa shooting ng first ever film na Sanggre na tulong-tulong na prinodyus ng magkakaibigan ng original Sanggres ng “Encantadia” serye na sina Karylle, Iza Calzado, Sunshine Dizon at Diana Zubiri, ay nagtungo para sa isang bakasyon grande ang grupo minus Diana Zubiri sa Bali, Indonesia, kung saan ay isang bachelorette party ang handog ng grupo para sa nakatakdang ikasal ngayong Disyembre na si Iza sa long time boypren niyang si Ben Wintle.
Bago pa man magtungo ng ibang bansa ay nakapag-taping na ng ilang eksena ang grupo nila Iza para sa first movie nila at ipalalabas sa Iflix.
Say ng director ng movie na si direk Mark Reyes sa mga nagtatanong kung remake o sequel ba ng hit na hit na fantaseryeng “Encantadia” ang pinoprodyus ng mga original Sanggre, ani ni direk Mark ay hindi raw ito halaw sa “Encantadia” at iba ang istorya ng nasabing pelikula.
Comments are closed.