KYLINE ALCANTARA HANDA NA SA MATURED ROLES

KYLINE ALCANTARA

SA susunod na taon ay magseselebreyt na si Kyline Alcantara ng kanyang ika-18wallface kaarawan, as in debutante na si Kyline. Dalaga nang maituturing. Pagda­ting naman sa kanyang showbiz career, hindi matatawaran ang acting talent ni Kyline, o ‘di nga ba dito siya sa la­rangan na ito napansin.

Tsikang sa bagong teleserye na gagawin ni Kyline sa GMA-7, ang TV adaptation ng pelikulang “Bilangin Mo Ang Bituin Sa Langit” kasama si Ms. Nora Aunor, ay magiging matured na ang role ni Kyline, isang mapusok na babae. Preparation sa kanyang pagdadalaga at paghahanda sa mga much more daring and matured roles?

Ani ni Kyline, ready naman siyang sumabak sa mga mapangahas na role lalo na nga’t tinutu­ring niya ang sarili bilang isang actress. Palaban sa anuman role na ibibigay sa kanya, pero hindi naman daw siya magiging daring in a sexual way, evolve lang daw siya mga character na gagampanan.

Alam kasi ni Kyline, bilang isang tunay na actor ay dapat gumawa rin siya ng mga roles na out of her comfort zone. Mas mapangahas, mas challenge para kay Kyline.

RICHARD GUTIERREZ AT SARAH LAHBATI TULOY NA ANG KASAL

TULOY na tuloy na ang pagpapakasal ng mag-live-in partner na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ngayong dara­ting na Marso 2020. Kahit pa lagare sa kanyang showbiz commitment si Richard ay mayroon naman siyang time na inilalaan para sa wedding planner ng kasal nila Sarah.

Na­ging bisi-bisihan si Richard ilang buwan bago sumapit ang tinakdang araw ng kasal niya. Dire-diretso ang shooting niya sa movie niya with Bea Alonzo and Angelica Panganiban. Dagdag pa rito ay ang taping ng bago niyang soap sa ABS CBN, ang “Kahit Minsan Pa”. Kapwa madrama ang mga bagong proyekto ni Richard sa Kapamilya Network.

Malaki raw ang kaugnayan sa buhay nila ni Sarah ang buwan ng Marso kung kaya napili ito nilang wedding month. O di nga ba, karamihan ay nais maging June Bride o kaya December Bride, bibihira sa mga artista ang nagpapakasal sa buwang ng March.

Ani ni Richard, buwan kasi ito nang mag-propose siya kay Sarah, buwan din ito ng ipanganak ang second baby nila at nagkataon din na halos sa buwan ng Marso 2020 magiging libre ang oras nila ni Sarah para sa lahat ng mga commitments na natanguan na nila.

Comments are closed.