QUEZON – ISANG lalaki ang natagpuang wala ng buhay at nakasuot ng kulay asul na sando at maroon na short pants sa bahagi ng Brgy. Sipa bayan ng Padre Burgos kahapon ng gabi.
Hinala ng pulisya na na-summary execution ang biktima at itinapon lang sa kanilang lugar. Nakabalot ang buong mukha ng masking tape at nakagapos ang mga kamay at paa bukod pa rito ay may tama ng bala ng baril sa ulo.
Ayon pa sa pulis wala naman umanong narinig na putok ng baril ang mga residente na malapit sa lugar at walang mga nagkalat na dugo sa lupa ng datnan ito ng imbestigador.
Sa follow-up ng mga pulis nakilala ang bangkay ng lalaki na si Roberto Mendoza, 42 anyos, at residente ng Sitio Kalamyas,Barangay San Isidro, Candelaria, Quezon.
Ayon pa sa pulisya bago pa natagpuang patay si Mendoza ay nakita pa itong nakatambay sa kanilang barangay bago siya natagpuang patay sa bayan ng Padre Burgos.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang makilala ang mga salarin at mabatid ang motibo sa krimen. BONG RIVERA
Comments are closed.