Standings W L
*NU 13 0
*DLSU 10 3
*UST 9 4
AdU 7 6
Ateneo 7 6
UP 5 8
FEU 1 12
UE 0 13
*Final Four
Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
10 a.m. – UE vs FEU
12:30 p.m. – AdU vs DLSU
4 p.m. – NU vs UST
6:30 p.m. – Ateneo vs UP
SISIKAPIN ng National University na makadiretso sa Finals sa pagsagupa sa University of Santo Tomas sa pagtatapos ng UAAP women’s volleyball eliminations ngayon sa Mall of Asia Arena.
Walang dungis sa 13 laro, ang Lady Bulldogs ay pinapaborang magwagi sa 4 p.m. clash sa Tigresses.
Umaasa ang NU na maging ika-3 koponan matapos ng La Salle (2004, 2013-14) at Ateneo (2014-15) na nakakumpleto ng 14-match elimination round sweep.
Maliban sa 2013-14 Lady Spikers squad na natalo sa Blue Eagles sa kabila ng pagkakaroon ng thrice-to-beat advantage, na ginamit ng liga noon para sa koponan na may perfect elims campaign, lahat sila ay nanalo.
Ang La Salle ay namayani noong 2004, nang iginawad noon ng liga ang championship outright sa koponan na nakakumpleto ng 14-0 elimination round sweep, habang ang Ateneo ay nagtala ng 16-0 upang idagdag ang kanilang ikalawang sunod na korona sa 2014-15 season.
Sa ligang dinominahan ng maalamat na magkatunggaling Lady Spikers at Blue Eagles sa nakalipas na 10 taon, ang Lady Bulldogs ay determinadong putulin ang cycle.
Pinangungunahan nina dating NU-Nazareth stalwarts Mhicaela Belen, Cess Robles, Alyssa Solomon, Sheena Toring, Ivy Lacsina, setter Camilla Lamina at libero Jen Nierva, ang Bustillos-based spikers ay hindi pa nakaranas ng five-set match ngayong season at nagwagi sa league-best eight three-setter contests.
Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ng Lady Bulldogs hanggang sa kasalukuyan, batid ni Nierva, isa sa vocal leaders ng koponan, na hindi sila dapat magkampante.
Kung tutuusin, ang ultimate goal ng NU ay ang wakasan ang 65-year-old title drought matapos ang magkakasunod na kabiguan sa kabila ng pagkakaroon ng lineup na pinangunahan ni Jaja Santiago sa nakalipas na dekada.
“Actually, mahirap siya. Kanina na-feel ko, inisip ko na baka nawawala ‘yung hunger ng bawat isa, so kailangan lang talaga mag-usap ulit kami kung ano ‘yung goal ng team,” sabi Nierva matapos ang panalo ng koponan kontra also-ran Far Eastern University sa apat na sets noong Martes.
“Kasi hindi dapat matitigil sa 13-0 or 14-0, kasi ‘yun nga like what I told ‘yung media last time, ang goal talaga is the championship. So, kailangan every game dun naka-set ‘yung mind namin na hindi dapat ‘yung standard namin, hindi pang-elimination lang,” dagdag pa niya.
Ang nalalabing balakid sa kampanya ng katunggali na agad na makapasok sa best-of-three Finals, ang UST ay hindi lamang naghahangad na maipuwersa ang regular Final Four format sa halip na step-ladder stage, kundi ang maisaayos din ang playoff sa La Salle para sa No. 2 slot.
May 9-4 kartada, ang Tigresses ay naghahabol sa Lady Spikers (10-3) ng isang laro sa karera para sa twice-to-beat bonus.
Makukuha ng La Salle ang semis incentive – sa Final Four man o sa step-ladder format — kapag tinalo nito ang Adamson sa 12:30 p.m. na magsasara sa pintuan ng UST na makopo ang of No. 2 spot via playoff.
Ang tanging paraan para maipuwersa ng Tigresses ang playoff ay kung masisilat nila ang Lady Bulldogs na sasamahan ng pagkatalo ng Lady Spikers sa Lady Falcons.
Ang Final Four fate ng titleholder Ateneo, na makakaharap ang sibak nang University of the Philippines sa alas-6:30 ng gabi, ay nakasalalay sa resulta ng La Salle-Adamson match.
Madadagit ng Blue Eagles ang nalalabing semis slot kapag nanalo sila sa Fighting Maroons at mananaig anv Lady Spikers sa Lady Falcons.
Ang Ateneo, na natalo sa La Salle sa rivalry match noong Martes, at ang Adamson ay magkasalo sa 7-6 sa fourth spot.
Magkakaroon ng playoff para sa No. 4 spot kung kapwa magwawagi o matatalo ang Blue Eagles at Lady Falcons sa kanilang huling elimination round matches.