UMAASA ang mga senador na mararapitikahan at mapipirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo ang panukalang Bayanihan to Recover as one Act o Bayanihan 2.
Sinabi ni Senate Committee on Health Chairman Christopher ‘Bong’ Go na inabot sila ng gabi sa pagtalakay sa panukala dahil alam nilang hinihintay na ito ng taumbayan lalo na ng mga public at private health worker.
Ayon kay Go, kasama rin sa mga naaprubahan ang pambayad ng hotel, quarantine facilities, contact tracing at mayroon din na standby fund na pambili ng vaccine sa oras na maging available na ito.
Gayundin, sinuportahan ni Go ang pahayag ni Pangulong Duterte na unahin ang mga mahihirap at vulnerable sector kapag nakabili na ang bansa ng bakuna kontra COVD-19.
Samantala, ipinaalala ni Go na puwede pa ring lapitan ang mga Malasakit Center kung saan umabot na sa 80 ang bilang nito sa buong bansa. VICKY CERVALES
Comments are closed.