LAKERS PINISAK ANG KNICKS

KUMANA si LeBron James ng 29 points sa kanyang pagbabalik mula sa knee injury at nakahabol ang Los Angeles Lakers mula sa  21-point first-half deficit upang gapiin ang bisitang New York Knicks, 122-115,  sa overtime nitong Linggo.

Tumipa rin si Malik Monk ng 29 points at nagdagdag si Anthony Davis ng 28 para sa Lakers na nagwagi sa ikalawang pagkakataon pa lamang sa kanilang huling anim na laro. Nagtala si James ng 13 rebounds at 10 assists makaraang lumiban ng limang laro dahil sa pamamaga ng tuhod. Ang Los Angeles ay 1-4 sa naturang mga laro.

Nagposte si Monk ng 18 points sa third quarter at binura ng Lakers ang 71-56 halftime deficit at umabante sa 87-84 papasok sa fourth quarter. Gumawa ang Knicks ng kabuuang13 points lamang sa  third quarter.

Nagbuhos si RJ Barrett ng career-high 36 points at nagdagdag si Julius Randle ng 32 para sa Knicks, na natalo sa ika-5 pagkakataon sa kanilang huling anim na laro.

HEAT 104, HORNETS 86

Kumubra si Jimmy Butler ng  27 points at sumandal ang Miami sa third quarter upang pataubin ang host Charlotte.

Nakalikom si Bam Adebayo ng 20 points at 12 rebounds para sa Miami na nakontrol ang lane sa malaking bahagi ng second half. Naghabol ang Heat sa 51-46 sa halftime, subalit naitala ang 35-8 bentahe sa third quarter. Tumipa si Butler ng 9 points sa quarter.

Nagdagdag si Tyler Herro ng 19 points para sa Miami, na nanalo ng back-to-back kasunod ng hree-game skid. Nanguna si Terry Rozie para sa Charlotte na may 16 points, habang gumawa si Miles Bridges ng 15.

SUNS 95, WIZARDS 80

Tunirada si Deandre Ayton ng 20 points at  16 rebounds upang pangunahan ang balansiyadong atake ng bisitang Phoenix kontra Washington.

Umiskor si Chris Paul ng 14 points, nagdagdag sina Cameron Johnson at Mikal Bridges ng tig-12, at nagtala si Devin Booker ng 11para sa Phoenix, na bumawi makaraang putulin ang kanilang 11-game winning streak ng Atlanta Hawks noong Huwebes.

Umabante ang Phoenix ng hanggang 36 points at umangat sa league-best 42-10.

Nanguna si Montrezl Harrell para sa Washington na may15 points, habang kumubra sina Aaron Holiday ng 11 at Kyle Kuzma ng 9. Ang Wizards ay natalo ng pito sa kanilang huling walong laro, kabilang ang limang sunod sa home.

Sa iba pang laro ay pinaamo ng Kings ang Thunder, 113-103; dinurog ng Bucks ang Trail Blazers,  137-108;  at nadominahan ng Grizzlies ang Magic, 135-115.