LAKERS UMESKAPO SA JAZZ SA OT

Lakers vs Jazz

NAKABALIK ang Los Angeles Lakers sa pamamagitan ng 127-115 overtime win kontra bisitang Utah Jazz noong Sabado.

Sa panalo, umangat ang Lakers sa 4-1 sa overtime games ngayong season. Nahulog naman ang Jazz sa 0-3 sa overtime games ngayong taon.

Nanguna para sa Lakers si Andre Drummond, nagbalik sa starting lineup makaraang hindi maglaro dahil sa lingering right big toe contusion, na may 27 points at 8  rebounds.

Nagtala si Dennis Schroder ng 25 points, 8 assists at 6 boards. Tumapos si Kentavious Caldwell-Pope na may 25 points, at nag-salpak ng  5 of 12 mula sa 3-point area.

Sa kanyang ika-4 na three-pointer, nalagpasan ni Caldwell-Pope si Eddie Jones para sa fifth all-time sa kasaysayan ng koponan sa three-pointers at tinapos ang laro na may  490.

CELTICS 119,

WARRIORS 114

Natalo si Jayson Tatum sa kanyang personal duel kay Stephen Curry, subalit nanaig ang Boston Celtics sa kanilang duelo sa Golden State Warriors sa pagtarak ng 119-114 panalo.

Umiskor si Tatum ng driving hoop upang basagin ang pagtatabla, may 48.8 segundo ang nalalabi, at dineliver ni Kemba Walker ang dagger sa pamamagitan ng 3-pointer pagkalipas ng 24 segundo, na naging tuntungan ng Celtics upang iposte ang ika-6 na sunod na panalo.

Tumapos si Tatum na may team-high 44 points, mas mababa ng tatlong puntos kay  Curry, na ipinagpatuloy ang kanyang week-long assault sa 3-point line na may 11 pa.

Nanguna si Curry para sa Warriors na kumamada ng mahigit sa 40 puntos sa ikatlong pagkakataon sa apat na laro sa nakalipas na anim na araw.

Nagposte si Curry, ang league leader sa 3-pointers, ng 11-for-19 mula sa 3-point range.

GRIZZLIES 128,

BUCKS 115

Humataw si Grayson Allen ng career-high seven 3-pointers at umiskor ng  26 points upang pangunahan ang Memphis Grizzlies to sa 128-115 panalo kontra host Milwaukee Bucks.

Gumawa si Dillon Brooks ng 21 points at nagdagdag si Jonas Valanciunas ng 17 points at  8 rebounds para sa Grizzlies na nanalo sa ika-7 pagka-kataon sa huling 10 laro.

Nakalikom si Desmond Bane ng 16 points at nag-ambag si fellow reserve Xavier Tillman ng  15 sa 7 of 9 shooting para sa Memphis. Nagsalansan si Ja Morant ng 13 points, 6 rebounds at 6 assists para sa Grizzlies na umangat sa 2-0 sa seven-game road trip.

Kumamada si Giannis Antetokounmpo ng 28 points, 11 rebounds at 8  assists para sa Milwaukee, na natalo ng apat na sunod sa home.

Sa iba pang laro ay nagbuhos si Bradley Beal, ang NBA’s leading scorer, ng 37 points at napalawig ng  Washington Wizards ang kanilang winning streak sa apat na laro nang pulbusin ang Detroit Pistons, 121-100, habang ginapi ng Chicago Bulls ang Cleveland Cavaliers,106-96.

7 thoughts on “LAKERS UMESKAPO SA JAZZ SA OT”

Comments are closed.