KINILALA ang Volunteerific Program ng LANDBANK bilang isang Outstanding Development Project sa ilalim ng Corporate Social Responsibility category ng Association of Development Financing Institutions in Asia and the Pacific (AD-FIAP) Awards 2019. Ito ay kabilang sa 29 development programs na kinilala ng ADFIAP sa seremonyang idinaos sa Oman kamakailan.
Ang public service ay second nature sa Landbankers – bilang mga empleyado ng isang government institution na may kakaibang social development mandate. Ang malakas na diwa ng volunteerism ay isang kongkretong pagpapakita ng brand of service culture nito.
Ang Volunteerific Program ay ipinatupad bilang mahalagang bahagi ng core value ng social responsibility ng Bangko. Hindi lamang nito pinahihintulutan ang mga empleyado na makibahagi sa Corporate Social Responsibility (CSR) programs ng Bangko, kundi ang magsagawa rin ng kanilang sariling volunteerism activities at kasunod nito ay magbigay inspirasyon sa iba na higit na maging ‘socially aware at responsible’.
Noong 2018, ang Volunteerific Program ay nilahukan ng kabuuang 86.23% o 8,158 mula sa 9,482 Landbankers sa buong bansa at nagsagawa ng sarili nilang volunteer activities.
Mahigit sa 500 activities ang isinagawa ng Landbankers sa buong bansa noong nakaraang taon, kabilang ang watershed adoption; solid waste management at water quality improvement initiatives para sa coastal areas at iba pang water tributaries; repair at repainting ng mga eskuwelahan; at pagbabahagi ng kakayahan at kaalaman sa indigent communities.
Sa boluntaryong pagdo-donate ng bahagi ng kanilang sahod taon-taon, ang Landbankers ay tumutulong din sa pagpopondo sa Gawad Patnubay Scholarship Program (GPSP) ng Bangko na sumusuporta sa edukasyon ng mahigit sa 100 scholars na kumukuha ng agriculture at agriculture-related courses sa kolehiyo.
Inilaan din ng LANDBANK volunteers ang kanilang libreng oras bilang trainers sa ilalim ng Education-to-Employment (E2E) Internship component ng GPSP. Ang E2E ay nagbibigay sa mga graduate ng oportunidad na luminang ng professional strengths sa pamamagitan ng mga seminar at hands-on field training— na pawang naglalayong matulungan sila na madaling makapasok sa agriculture-related professions.
Sinuportahan din ng Landbankers ang environmental sustainability sa pamamagitan ng mga initiative na tulad ng LANDBANK Ecobrick program na nagsusulong sa pagsasagawa ng ecobricking sa mga empleyado ng Bangko. Noong 2018, ang programa ay nakapagprodyus ng 3,500 ecobricks mula sa 900,000 grams ng plastic waste, dahilan upang ang LANDBANK ay maging top eco-bricking community sa mundo.
Sa kasalukuyan, ang Volunteerific activities ng Landbankers ay patuloy na lumolobo at lumilikha ng malaking impact sa malalapit at malalayong komunidad.
RECOGNITIONS
Magmula noong 2016, ang program ay nagbigay ng maraming awards at commendations para sa Bangko. Ang LANDBANK ay kinilala ng Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency (PNVSCA) sa ilalim ng National Economic and Development Authority (NEDA) bilang tanging ahensiya ng pamahalaan na may established volunteerism program para sa mga empleyado, at ginawaran ng National Outstanding Volunteer Award para sa Corporate-Institution category noong December 2018.
Ang program ay nagwagi rin ng Award of Excellence in Communication Management: Community Relations category ng 2018 Philippine Quill Awards.
Comments are closed.