LEBRON BALIK SA NO. 6 JERSEY

Lebron

IPAPASA ni LeBron James ang kanyang  No. 23 jersey kay bagong Los Angeles Lakers teammate Anthony Davis.

Isinuot ni James ang No. 23 sa kanyang stints sa Cleveland Cavaliers at Lakers noong nakaraang season makaraang iwan niya ang kanyang hometown club noong nakaraang taon sa free agency.

Isinuot ni Davis ang No. 23 sa loob ng pitong seasons habang naglalaro para sa New Orleans Pelicans.

Sa report ng  ESPN, magbabalik si James suot ang No. 6 jersey na kanyang ginamit nang makopo ang kanyang unang dalawng NBA crowns sa 4-season stint sa Miami Heat.

Sa mga larawan mula sa set ng “Space Jam 2” — isang sequel sa 1996 film na pinagbibidahan ni NBA legend Michael Jordan at animated cartoon icon Bugs Bunny — ay makikita si James na nakasuot ng No. 6 jersey.

Isang trade deal para kay  Davis ang makukumpleto sa Hulyo 6, kung kailan maaaring ianunsiyo ang free agent contract signings, subalit sa mga detalye hinggil sa hakbang ay lumitaw na kasali na ngayon ang Washington Wizards sa transaksiyon.

Gagastos ang Lakers ng $32 million sa  free agency sa ilalim ng  NBA salary cap rules makaraang dalhin ng Lakers sina Mo Wagner, Isaac Bonga at Jemerrio Jones sa Washington sa maximum clear salary-cap space.

Pumayag din si Davis na i-waive ang $4 million trade bonus upang lumikha ng karagdagang salary cap space na magbib-gay-daan para isulong ng Lakers ang isa pang maximum level NBA free agent.

Comments are closed.