BUMANDERA sina Los Angeles Lakers forward LeBron James at Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo sa kani-kanilang conference sa first tally ng fan voting para sa 2019 NBA All-Star Game.
Ayon sa NBA, si James ang unang player na nakakuha ng mahigit sa 1 million votes (1,083,363) para sa Feb. 17 showcase sa Spectrum Center sa Charlotte, N.C.
Ang iba pang nangungunang vote-getters sa West ay kinabibilangan nina Dallas Mavericks rookie Luka Doncic, Golden State Warriors teammates Stephen Curry at Kevin Durant, at Minnesota Timberwolves guard Derrick Rose.
Pumapangalawa si Antetokounmpo (991,561) sa overall sa first tally. Ang iba pa sa top five sa East ay sina Boston Celtics guard Kyrie Irving, Toronto Raptors forward Kawhi Leonard, Philadelphia 76ers center Joel Embiid at Miami Heat guard Dwyane Wade.
Ang fan voting ay bumubuo sa 50 percent ng final determination ng 10 All-Star starters, kung saan ang nalalabing 50 percent ay mula sa mga kasalukuyang NBA player at sa media panel.
Ang top vote-getters mula sa bawat conference ay magsisilbing team captains. Bubuo sila ng rosters mula sa mga player na magiging starters at reserves, anuman ang kanilang conference affiliation.
Comments are closed.