MAGPAPATUPAD ang Philippine futsal team ng isang “strategic at sustainable program” na makatutulong sa bansa sa international meets sa hinaharap.
“We’re trying to build a long-term program,” pahayag ni Philippine Football Federation (PFF) Futsal head Kevin Goco sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes.
Ang newly-formed women’s team, na kilala bilang Pinays, ay sasabak sa two-game friendly kontra Guam, na tinawag na “Pinay5 Futsal Faceoff” sa Oct. 15 at 16 sa Ninoy Aquino Stadium.
Ang futsal program ay sa harap ng tagumpay na tinatamasa ng Philippine women’s football team at ng makasaysayang pagpasok nito sa FIFA WorldCup sa susunod na taon.
“This is the first step in a long journey,” dagdag ni Goco, na sinamahan sa forum ni Dutch coach Vic Herman, isang seasoned futsal technician na nagsilbing head coach sa anim na national teams.
Si Herman ay unang bumisita sa bansa noong 2015 subalit opisyal na kinuha sa Philippine futsal team noon lamang nakaraang Marso. Nasa bansa siya sa full-time basis.
Malaki ang kumpiyansa ng 69-year-old na si Herman, na ginabayan ang national teams mula sa Hong Kong, Malaysia, Iran, Malta, Thailand at Indonesia, sa Philippine futsal.
“I can describe it very easily. The Philippines has the talent. But we must do something. The gap is not too big but if you don’t do anything the gap will get bigger and bigger,” aniya.
“The goal is to bring them to the top,” dagdag niya sa weekly forum na itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Amelie Hotel Manila, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).