MAGIC ‘DI UMUBRA SA LAKERS

lakers vs magic

KUMAMADA si Dennis Schroder ng 24 points upang tulungan ang Los Angeles Lakers na maitakas ang 96-93 panalo kontra bisitang Orlando Magic noong Linggo ng gabi.

Nagtala si Kyle Kuzma ng 21 points at  11 rebounds, tumapos si Montrezl Harrell na may 18 points at 11 re-bounds mula sa bench, at nakalikom si Markieff Morris ng 12 points at 11 rebounds para sa Lakers.

Lumiban si LeBron James sa ika-5 sunod na laro dahil sa high ankle sprain at umangat ang Lakers sa 2-3 na wala ang kanilang lider sa scoring (25.4), rebounding (7.9) at assists (7.9).

Nagbuhos si Dwayne Bacon ng career-high 26 points, umiskor si Chuma Okeke ng 14 points at nag-ambag si Mo Bamba ng 11 points mula sa bench para sa Magic.

Sumalang sina R.J. Hampton, Wendell Carter Jr. at Otto Porter Jr. sa unang pagkakataon para sa Magic makaraang i-trade sila noong Huwebes.

Nagposte si Hampton ng 10 points, at tumapos sina Carter na may 8 at Porter na may 5 points.

BLAZERS 122,

RAPTORS 117

Tumipa si Damian Lillard ng 22 points at nagbigay ng 11 assists nang gapiin ng bisitang Portland Trail Blazers ang Toronto Raptors, 122-117.

Naitala ni CJ McCollum ang 10 sa kanyang 23 points sa fourth quarter at kumalawit ng 7 rebounds para sa Trail Blazers, na nanalo ng tatlong sunod sa road.

Nagdagdag si Derrick Jones Jr. ng 16 points para sa Portland. Gumawa si Robert Covington ng 13 points at humugot ng 12 rebounds, habang nagdagdag sina dating Raptor Norman Powell ng 13 points, Enes Kanter at Jusuf Nurkic ng tig-10.

SUNS 101,

HORNETS 97

Nagbuhos si Devin Booker ng game-high 35 points upang tulungan ang Phoenix Suns na gapiin ang host Charlotte Hornets, 101-97, sa overtime.

Nagsalpak sina Booker at  Chris Paul, na tumapos na may 16 points, ng  free throws sa  extra period,  at naitala ng Suns ang ika-5 panalp sa huling anim na laro.

Naputol ang  three-game winning streak ng Charlotte, at natalo sa home sa unang pagkakataon sa anim na laro.

NUGGETS 126,

HAWKS 102

Tumabo si Ja­Mychal Green ng season-high 20 points, at nagdagdag si Nikola Jokic ng 16 points, 10 rebounds at 8 assists nang igupo ng host Denver Nuggets ang  Atlanta Hawks, 126-102.

Nagdagdag si Jamal Murray ng 17 points, nagsalansan si Michael Porter Jr. ng 15 points at 10 rebounds, at gumawa si Will Barton ng 12 para sa Denver.

Tumapos si Aaron Gordon na may 13 points sa kanyang debut sa Nuggets. Si Gordon ay kinuha mula sa Orlando noong Huwebes, kasama si Gary Clark para kina Gary Harris at R.J. Hampton.

2 thoughts on “MAGIC ‘DI UMUBRA SA LAKERS”

Comments are closed.