MARIKINA CITY – HULI sa buy bust operation ang isang taho vendor makaraang maaktuhan habang nagtutulak ng droga kamakalawa ng Marikina PNP.
Arestado sa isinagawang buy bust operation ng Marikina City Police Station Drug Enforcement Unit na pinangungunahan ni Insp. Greco Gonzales ang magtataho matapos itong masangkot sa pagbebenta ng droga sa kanilang lugar sa No. 66 Bougainvillea St., Brgy. Malanday, Marikina City dakong alas-8:30 ng gabi.
Kinilala ang suspek na si Francisco Estrada y Padilla, residente ng Barangay Malanday.
Sa nabanggit na petsa, ikinasa ang operasyon na naging dahilan ng pagkakaaresto ni alyas Titeng, kung saan naganap ang pakikipagtransaksiyon ng isang pulis na nagpanggap na buyer sa nasabing suspek.
Narekober sa suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu, P500 cash na ginamit bilang buy bust money at isang coin purse. ELMA MORALES
Comments are closed.