MALAPIT na ang showing ng ‘Isa Pa With Feelings’ na movie nina Maine Mendoza at Carlo Aquino.
Maraming nagpi-pray na sana raw ay suportahan ng fans ni Maine ang pelikula nila ni Carlo. Dahil kung kay Carlo raw aasa ay napakaseryoso nitong actor unlike Maine na very loveable sa kanyang fans.
Samantala, sinabi ni Maine na hindi nila inaasam na mapantayan ang kinita ng pelikula ng kanyang former ka-loveteam na si Alden Richards at Kathryn Bernardo.
Para kay Maine, ang magustuhan at magagandang feedback ang maririnig nila ay masaya na sila.
‘Wala naman kaming ini-aim na pantayan o lagpasan po ‘yung nakamit nila. ‘Di rin po kami napi-pressure,” saad ng former Yaya Dub.
JOHN LLOYD NILIWANAG ANG ROLE SA ‘CULION’
HINDI nagustuhan ni John Lloyd ang paggamit ng kanyang pangalan para sa promotion ng ‘Culion’ movie na pinagbibidahan nina Iza Calzado, Meryl Soriano at Jasmine Curtis.
Niliwanag niyang cameo role lang daw siya at hindi bida. Isang beses lang daw siyang ipinakita sa pelikula.
Narito ang text ng actor sa ANCX thru SMS message: “I thought including me in the teaser was preemptive. It was the opposite of what I actually requested and agreed on.”
Dugtong pa niya: “But as much as I am drawn to the idea of letting my work, of any kind, have its own life and take its own course in terms of output (unmindful of how it mutates, grows and sometimes gets diminished) I am also wary of misleading an audience.”
“That wouldn’t be fair. Hence, I felt compelled to clarify my participation in the film.”
Well, ayaw lang dayain ni JLC ang kanyang followers na baka ‘pag napanood ay hanapin siya sa buong istorya kaya nagpaliwanag siya.
Unfair nga naman para sa tatlong actress na bida sa “Culion.”
Give the credit where the credit is due. Ganyan si John Lloyd. Binibigyan niya ng respeto ang mga bidang artista sa “Culion.”
LAST CHANCE PARA KINA BEA AT LLOYDIE
PAREHONG nag-post sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz ng kanilang picture na magkasama sa ginawang food commercial.
Sa posted pix ni Bea ay may teaser na “A Last Chance.”
Emote to death at with feelings ang caption na nilagay ni Bea: “matagal nang hindi nagkita at nagkasama. Pwede pa rin kayang magkaroon ng LAST CHANCE?”
Sa IG account naman ni John Lloyd ay picture kung saan malungkot siyang nakayuko habang hawak-hawak ang isang kamay ng actress.
Nakasapo naman sa kanyang noo ang isang kamay ni Bea na nakatingin sa malayo.
Komento ng avid fan ng Bea-JLC: “Jusko nung nakita ko to sa IG ni Bea, sumaya talaga ako. Their loveteam is the only legit loveteam na gusto ko. And I love na never naging sila. Nakakatuwa talaga tong si Popoy at Basha. For me, it’s still the loveteam to beat.
“Baka naman all roads lead to John Lloyd and Bea talaga.”
Tunay namang iba ang chemistry ng dalawang eto. Malakas ang dating nila kahit alam ng fans na reel sweethearts lang sila.
Sabagay, iconic talaga ang tambalan nila. Bakit hindi nila gawing pelikula na ang title ay ‘Last Chance.’ Tutal may ‘One More Chance’ then ‘A Second Chance’ so why not ‘Last Chance’ naman.
Comments are closed.