MASAYANG-masaya si Lovi Poe sa naganap na pagkikita nilang muli ni Marian Rivera. Kung dati-rati ay may agam-agam si Lovi na magkrus ang landas nila ni Marian sa isang show sa GMA 7, ngayon ay nawala na ito lahat.
Kung matatandaan, nagkaroong ng gap sina Lovi at Marian. Nangyari ito nang maipit si Lovi sa nangyaring gap kay Marian at sa bespren niyang si Heart Evangelista. Sa pagsasalita ni Marian na wala naman daw talaga silang away ni Lovi, ay mas lalong sumaya ang sexy actress. Dati kasing close ang dalawa.
Say pa ni Lovi, nang makita niya si Marian sa isang show ay agad silang nagyakap. Ang saya-saya raw ni Lovi that time at nagkausap pa sila ng seryosohan. Back to normal na ang kanilang samahan, wala ng ilangan pa. Pagdating naman sa bago niyang boypren, okey lang daw sila ngayon, kahit pa long distance love affair pero kung pumupunta naman ng bansa ang kanyang boypren ay bawing-bawi naman ang pananabik nila sa isa’t isa dahilan sa halos isang buwan ang inilalagi ng kanyang boypren sa bansa.
DERRICK MONASTERIO PROUD NA INIRAMPA ANG GF
PROUD boypren ang Kapuso actor na si Derrick Monasterio nang rumampa kasama ang kanyang bagong girlfriend na si Livia Dumont sa isang Kapuso event.
First time na inilantad ni Derrick ang kanyang karelasyon for almost two months na rin naman. Say ng actor, nang una niyang makita si Livia ay na-lovestruck na raw siya. Hindi niya raw ito tinantanan sa social media hanggang sa ‘di siya pansinin. Nagtagumpay naman ang actor at naging gf pa ang Brazilian model.
Mas lalong tumaba ang puso ni Derrick nang aminin ng gf na isa na siyang avid fan ng actor at gabi-gabi ay hindi pinalalagpas ang panonood ng “Beautiful Justice” kung saan ay kasama si Derrick. Kahit medyo hirap pa sa pananagalog ay nakakaintindi na rin kahit paano si Livia ng lengguwaheng Pinoy.
Puwede rin maging artista itong si Livia, kung kaya nang matanong si Derrick kung sakali man ay okey lang ba sa kanya na mag-artista ang kanyang gf. Say ng actor, ay okey na okey, pinayuhan pa raw niya itong matutong mag-salita ng Tagalog para mas maging malapit siya sa mga Pinoy. Aprub para kay Derrick na makasama pa nga ito sa isang proyekto, if ever na pumasok ang gf sa showbiz world.