INIHAYAG na ang mga nanalo sa ikatlong edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nanalo ng kanyang first best actress award ang beteranang aktres na si Angie Ferro sa edad na 82 para sa kanyang madamdaming pagganap bilang Lola Igna sa obra ni Eduardo Roy, Jr.
Tinalbugan naman ni Martin del Rosario sa best actor ang kanyang co-stars sa The Panti Sisters na sina Paolo Ballesteros at Christian Bables para sa kanyang gay role sa pelikulang The Panti Sisters.
Napansin din ng mga hurado ang galing ni Gio Alvarez sa I’m Ellenya L. na siyang nagkamit ng best supporting actor samantalang ang tropeo para sa best supporting actress ay naiuwi ni Tuesday Vargas para sa LSS:Last Song Syndrome.
Tinanghal namang best picture ang Lola Igna ng Found Films at Emba Productions samantalang ang LSS (Last Song Syndrome) ng Globe Studios at Dokimos Media Studios ang pinagkalooban ng Special Jury Prize.
Wagi naman bilang best director si Tyrone Acierto para sa pelikulang Watch Me Kill.
Ito ang kumpletong listahan ng mga nagwagi:
PistApp Sine Kabataan Audience Choice Award: Chok; PistApp Audience Choice Award: LSS (Last Song Syndrome); Audience Choice Award: The Panti Sisters;
PistApp Sine Kabataan Jury’s Choice: Magna; Sine Kabataan Short Film: Kalakalaro
Sine Kabataan Best Director: Roddson Verr Suarez, Kalakalaro;
Special Jury Award: LSS (Last Song Syndrome);
Best Sound Design: Aurel Claro Bilbao at Arnel Labayo, LSS (Last Song Syndrome); Best Musical Score: Andrew Florentino, Lola Igna
Best Original Song: “Araw-Araw” by Ben&Ben, LSS (Last Song Syndrome);
Best Production Design: Marxie Maolen Fadul, The Panti Sisters
Best Cinematography: Marcin Szocinski, Watch Me Kill;
Best Screenplay: Eduardo Roy, Jr. at Margarette Labrador, Lola Igna
Best Editing: Colorado Rutledge, Watch Me Kill;
Best Supporting Actor: Gio Alvarez, I’m Ellenya L.; Best Supporting Actress: Tuesday Vargas,LSS (Last Song Syndrome)
Best Actor: Martin del Rosario,The Panti Sisters;
Best Actress: Angie Ferro, Lola Igna;
Best Director: Tyrone Acierto, Watch Me Kill;
Best Picture: Lola Igna.
Comments are closed.